CHAPTER 7: Start of something new

87 17 5
                                    

Dedicated to imkpopfan_12 Thank you sa votes and reads ❤ Kai loves you 🐻 Love ka don ni teacher haha ❤





(Shane's POV)

Bakit ba lagi na lang umuulan sa tuwing wala akong dalang payong? At sa kalsada na naman! Ampness talaga.

Since basa na rin naman ako tatakbo na lang ako pauwi.

Ipangtatakip ko na sana yung clearbook ko sa ulo ko nang may humawak sa braso ko hanggang sa maramdaman ko na lang na hindi na ako nababasa ng ulan. De ja vu?





"Sabihin mo lang kung ayaw mo kong makita. Hindi yung nagpapaulan ka pa para magkasakit ka at hindi makapasok sa afternoon class natin."

"E-eh?"





*Dug. Dug.*

Nakatayo lang sya sa may gilid ko habang pinapayungan ako at nakatitig ng masama sakin.

Ang gwapo nya pala. Lalo na ngayong gulo ang buhok nya at naka-jersey pa sya. Hayy. Nahihibang na ko. >_<



"Sa'n ba punta mo? Hatid na kita." suggest pa nya.

Napakurap naman ako sa mga salitang binibitawan nya. Seriously? After nyang magpaka-OA kanina babanatan nya ko ng ganyan?! -_-||

"Maglu-lunch lang ako sa bahay. Nalimutan ko kasi yung lunchbox ko. W-wag ka ng sumama.Magt-trike ako."nauutal na sagot ko dito.

Pakshet. Ba't ako naiilang sa kanya? Ano bang nangyayari sa mundo? //>_<//



"Kung nung about last Saturday kaya ka ganyan....Ano.. Sorry talaga. Nabigla din ako eh." paliwanag nya na syang nakapagpalubag ng loob ko.

Parang medyo nawala yung inis ko sa kanya kahit papa'no. O wala na talaga?

Napatingin naman ako sa kanya kaya naman nakita ko yung reaksyon nya. Naka-look away sya at medyo namumula pa. Haha ang cute lang!





T-teka.. Sinong cute??

"I-I know its kinda rude. Y-yung ginawa ko. Kaya kung galit ka pa rin, I'll make it up to you this time. Lahat ng utos mo.. gagawin ko promise! Wag lang yung ganito na parang strangers pa rin tayo sa isa't isa."Brix stated.

Napangisi ako sa narinig ko.

"Lumayo ka sakin." seryosong sambit ko dito.

"W-what? I told you that I will do what you want but that's an exception. Seatmates tayo. Mahirap 'yon Shane."

Hindi ko malaman dito kay Brix kung ba't parang ang big deal ng hindi ko pagpansin sa kanya. Like duh. Ilang months pa lang kami nagkakilala. Napailing na lang ako sa isiping 'yon. -_-#

"Ang sabi ko lumayo ka. Ang lapit mo kaya sakin. Hawak mo pa yung braso ko. Napaka-OA mo tala— ouch ano ba! Masakit 'yon ah!"

Bwisit talaga 'to. Di na nga nya pinatapos yung sinasabi ko kinutusan pa ko. Tsk.

"Oh, sinong OA ngayon? Haha."

Tawang-tawa na pahayag nya.

"Ah ganon? Okay. Strangers pa rin tayo." sagot ko dito at saka kibit'balikat na tinalikuran sya.

Agad naman nya akong inakbayan na syang ikinagulat ko. Siraulong 'to. Wala man lang pasabi. Tsk.

Oy! Wala ng bawian. Haha. Tara libre kita sa trike seatmate!"

Hindi pa man ako nakakasagot ay pumara na sya ng trike. Haist.

"Hoy Brix! Bawal ka nga sabing sumama.Hindi porke't okay na tayo—"

"Manong, ihatid nyo 'yan sa mismong tapat ng bahay nya. Eto 100, keep the change na."paalala nya dun sa driver. At pagkatapos ay ako naman ang binalingan.

"Ang eskandalosa mo talaga. Tss. Hindi ako sasama don't worry. Sige, mamaya na lang."

Pinanood ko na lang ang paglakad nya pabalik sa loob ng school.





Sana. Sana ito na ang start.









(Chandria's POV)





"Oy seatmate!" sigaw ni Brix na biglang tumigil sa pakikipagharutan sa classmates namin.









Napatigil naman kaming lahat sa ginagawa nang mapansin namin na si Shane na papasok ng room pala yung sinigawan nya or should I say, 'tinawag' ni Brix.

"Bakit ganyan kayong makatingin?" nagtatakang tanong ni besty samin.

"Don't mind them. Turuan mo na lang ako dito sa Physics. May quiz daw mamaya eh."

Hinatak na sya ni Brix paupo. At sa hindi ko talaga inaasahang pagkakataon ay pumayag si besty??



Wth?! Paanong okay na sila??

Is there something wrong or new?

Hayyyy. Change is really coming.

Napaface-palm na lang ako sa nakita ko. @_@

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon