CHAPTER 12: Confrontation.

62 13 7
                                    

  

CHAPTER 12: Confrontation.

(Shane's POV)

"Care to explain Shane?"

nakapameywang na pahayag ni Chandria pagkapasok namin sa loob ng bahay ko.

"A-ano kasi."

Tae. Di ko mahanap ang tamang salita para sa paliwanag ko. Tsk. Eh ano nga bang ie-explain ko?

"Look Chandria, it was just a goodnight kiss and besides, sa cheeks lang naman 'yon. So what's the big deal there?" kunwaring naiinis na sagot ko.

Sana lang wag na syang magtanong pa. Kasi hindi ko rin alam ang isasagot ko. >_<

"Shane Garcia, apat ang mata ko pero hindi ako bulag. Duh. Goodnight kiss? Eh bakit hindi sa noo? Bakit sa pisngi?"

Nagdududang tanong nya.

Tsk. Eto na nga bang sinasabi ko.

"Eh bakit? Hindi ba pwedeng halikan ang kaibigan sa pisngi?"

pangangatwiran ko pa dito.

"Exactly! Kaibigan? Hah! Sinong niloko nyo? May friends ba na, hatid-sundo? May friends ba na may endearment? May friends ba na daig pa ang mag-jowa kung mag-LQ? May friends ba na hindi na mapaghiwalay? Na ultimo yung bestfriend nya na totoo ay nakalimutan nyang balikan? Kasi kung meron mang ganon, dalawang babaeng magkaibigan lang ang ganon. Hindi girl-boy. Ngayon ka pa ba maglilihim sakin Shane? Sakin pa ba? Ako pa ba na bestfriend mo?"

Napayuko na lang ako sa mga binitawang salita ni Chandria. Totoo naman kasi lahat ng sinabi nya. Ako na ang guilty.

"Ano na Shane?" untag ni Chandria nung hindi ako kumibo.

"Ano bang sasabihin ko sayo? Eh kahit ako... hindi ko alam kung ano kami. Strangers? Friends? Flings? Hindi ko alam Chandria. Sabi nya, gusto nya ko. Eh pa'no 'yon? Gusto ko rin sya, tapos may girlfriend sya. Grabe, ang linaw nya. Haha. *sniff*"

I tried to force a laugh but I failed.

Nag-unahan na naman sa pagpatak ang luha ko.

Leche. Bakit nga ba ngayon ko lang naalala na may girlfriend na sya, kung kelan nasabi ko na na gusto ko rin sya.

"Eh di nagsalita ka din. So, paano 'yan? Mukhang nagkaaminan na kayo. Sure ka ba na may girlfriend na si Brix? Kung meron nga, anong gagawin mo? Ipagpapatuloy mo pa ba 'yang kung ano mang meron kayo?"

Lalong nag-unahan sa pagpatak ang luha ko sa naging pahayag ni Chandria. Hindi ko alam.

Ano nga bang gagawin ko?

(Chandria's POV)

Patuloy lang sa pag-iyak si Shane. Gusto ko syang yakapin, pero kailangan ko munang marinig ang sagot nya.

"G-gusto ko si Brix. Chandria. G-gusto ko si Brix. P-pwede bang maging selfish muna ako ngayon. Kahit... n-ngayon lang. Please besty. Ibabalik ko naman sya eh. I-babalik. *sniff* ko din s-sya."

Naaawa na naiinis ako sa kalagayan ni Shane ngayon. She sounds so desperate but at the same time, I know that she's also hurt. Ngayon pa nga lang na magte-take risk sya nasasaktan na sya, what more kapag bumalik na yung may-ari?

"Alam ba ni Brix, na alam mo na may girlfriend sya?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya sa tanong ko.

"Haist. Shane, hindi kita pinapaboran sa gusto mong mangyari. Susuportahan lang kita dahil gusto kong ibigay sayo yung kung anong magpapasaya sayo. But still it's up to you, nandito lang ako to support you, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon sa kung anong gusto mong gawin. With or without my support."

"Thank you Chandria. Thank you, thank you talaga."

pahayag ni Shane habang yakap-yakap ako.

"Basta pag sobrang nasasaktan ka na at hindi mo na kaya, tama na ha? Tigil na. Tama na yung isang beses na nagpaka-TANGA ka, OA na kapag paulit-ulit."


-----*

So I'm dedicating this chapter to you. My first reader . hehe.

KathKath38

thank you for reading and your comments.

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon