CHAPTER 19: Shane, Brix, Lance, Chandria and Sean

58 12 3
                                    

DEDICATED TO:

KatjaKenahNavarro




CHAPTER 19: Shane, Brix, Lance, Chandria and Sean

(Chandria's POV)

["Where's Brix? Nandyan ba sya?"]

Kausap ko ngayon si Sean sa phone. It's December 12 today. Shane's 16th birthday.

[Wala. Kanina pa nga nakabusangot ang gaga. Sabi nang wag ng hintayin eh.]

Napalingon ulit ako kay Shane na nasa labas ng bahay. 8:30 pm na rin. Kanina pa syang 6:00 pm dyan. Haist. Paasa kasi si Brix eh.

["He's going out now."] untag ni Sean mula sa kabilang linya. Nasa subdivision kasi siya nila Brix magmula pa kaninang tanghali. He's hiding from somewhere near Brix's house.

[Talaga?! Sabihin ko na ba kay—]

["No. Kasama nya si Khate. Damn. Sh*t. Akala ko ba break na sila?! Aish. Pupunta na ko dyan."]

*dial tone*

Akala ko din break na si Khate at Brix. A month ago, nung awarding ng sports fest week nag-promise daw si Brix kay Shane na aayusin nya ang lahat. Ang kaso, 1 month na syang hindi nagpaparamdam kay Shane matapos ang araw na 'yon.

Actually, napalipat ng section si Shane. Section A na lang sya ngayon dahil bumaba ang mga grades nya. Yun kasi ang rule sa school namin. Kami na lang ni Brix ang nasa Pilot Section.

Araw-araw kong nakikita si Brix pero si Shane hindi. Nakakaawa nga si Shane eh. Madalas kung sulyapan si Brix sa loob ng room namin every vacant period, pero laging busy sa cellphone si Brix. Haist.

*beep*beep*

Si Sean na yon. Agad kong sinuot yung hello kitty ko na slippers at tumakbo palabas ng bahay. Nadatnan ko naman si Shane na nakayakap kay Sean habang umiiyak.

"Papasukin mo na nga yan Sean. Kanina pa yan parang tangang nag-aabang dyan. Ayaw namang makinig sakin nyan." litanya ko habang kinukuha sa kamay ni Sean ang isang box ng pizza at my melody na stuff toy.

"Tanga ka talaga eh noh?? Alam mo namang hindi darating, hintay ka pa rin ng hintay." medyo pagalit na sabi ni Sean.

"Because.... he promised me na pupunta sya sa birthday ko no matter what. He also said that he would fix the things that should be fixed. Sabi nya maghintay lang ako. Ang tagal ko nang naghihintay, pero bakit wala pa rin sya?" umiiyak na pahayag ni Shane.

"Promises. Promises that are meant to be broken. Aren't you aware with that Shane? Tsaka anong sabi nya? Maghintay ka daw? O, yun naman pala eh. Maghintay ka lang, pero wala syang sinabi na pupuntahan ka nya. Hindi ka na makaintindi ngayon Shane? Nakaka-badtrip ka naman eh. Ang talino mo, pero natatanga ka nya."

Kumalas si Sean sa pagkakayakap sa kanya ni Shane. Tsk. Mukhang napuno na 'to.

"H-hey. San ka pupunta Sean?" tanong ni Shane na parang natauhan nang makitang papasakay na ulit ng kotse nya si Sean.

"Uuwi na ko. Tsaka na lang tayo mag-usap pag di ka na tanga."

Harsh as ever. Agad na pinaharurot ni Sean ang kotse nya kaya naiwan kami ni Shane na nakatayo dito sa labas.

"Ano? Hihintayin mo pa rin si Brix?" mataray na tanong ko.

"Sabi ko nga eh, pasok na tayo."

Psh. Kailangan talaga si Sean pa ang magsabi sa kanya para tumino sya.

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon