DEDICATED TO:
CHAPTER 17: Pretending
(Brix' POV)
"Bro, what's the plan?" tanong ni Gabriel na kasama kong nagbabantay sa booth namin ngayon.
Friday na and last day na din ng sportsfest week namin. Ngayong gabi magaganap ang Student's Night, fireworks display at awarding ng mga winners sa iba't ibang sports.
"I don't know, Gabriel. Kasama nya ngayon si Sean and for sure hanggang mamayang gabi sila magkasama. Hindi ako makakasingit sa schedule nya." nababagot na tugon ko.
"Ano ba yan. Wala nga yung pa-cute mo na girlfriend," litanya ni Chandria
" ..si Sean naman ang pumalit." dugtong naman ni Lance.
Napa-angat ako ng tingin kayna Chandria at Lance na magka-holding hands. What the heck?! Sila na.. AGAD???
"Hoy! Kelan pa naging kayo?" bastos na tanong ni Troy na tinuro pa si Chandria.
"Ewan ko. Basta magkaholding-hands na lang kami nung nagkasalubong kami papunta dito." parang wala lang na sagot ni Lance.
Ano daw?
"Tang*na Lance, gaguhan ba? Ano nga kayo?" tanong ulit ni Troy.
"Galit agad? Hahaha. Ano kasi.. Napag-isipan namin ni Lance na magpanggap. Pretending ba? Ay, hindi pala. Si Lance lang pala ang nagpapanggap, ako kasi totoo yung feelings ko sa kanya." nakangiting pahayag ni Chandria. If I know nasasaktan din yan sa sinasabi nya. Pero hanga ako dahil mukhang nakapagtapat na sya.
"Aish. Bakit mo naman sinabi na nagpapanggap lang tayo? Kaya nga pretending diba? Dapat tayong dalawa lang ang nakakaalam! Matalino ka ba talaga?! Eh, mas mukhang matalino pa ko sayo eh!!" nabibwiset na singhal ni Lance kay Chandria.
Tss. Sa halip na yung pag-aproach ko kay Shane ang pinag-uusapan namin, napunta tuloy sa kanila.
"Matalino ako! FYI! Ano?! Pakita ko pa sayo grades ko eh! An–."
"Shut up! Leche. Napakaingay." bwiset na talaga na pahayag ni Lance.
Bigla namang hinila ni Chandria yung kamay nya nang pagkalakas-lakas. Sinamaan naman sya ni Lance ng tingin. Kami namang tatlo eh parang nanonood lang ng sine.
BINABASA MO ANG
I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]
Teen FictionThey were once just a stranger until they met each other. She fell for him and so he is. Just like in any ordinary love story, they fell in love and they fall apart. Will they be back to strangers again? Or will they meet again and make things righ...