CHAPTER 13: M.U.

75 15 5
                                    


DEDICATED TO:

mhacky25 Thank you for adding my story to your library and reading list :)

ENJOY READING :*

--------------*

(Brix' POV)

"Hoy. Ba't ang tahimik mo?" tanong ko kay Shane.

Kanina pa kasi sya walang kibo magmula nang sinundo ko sila ni Chandria.

"Wala lang." maikling sagot nya.

What the eff? What's with her? Kahapon lang okay kami. Tapos ngayon? I really don't get girls instinct.

Hindi ko na lang sya kinulit baka kasi wala lang sya sa mood, which is very rare.

Pagkadating namin sa school ay bumaba agad sya ng kotse, kaya naiwan kami ni Chandria.

"May period ba 'yon ngayon?" tanong ko kay Chandria.

"May iniisip lang 'yon. Pabayaan mo na. Let's go, ma-late pa tayo."

Nagkibit-balikat na lang ako at saka lumabas ng sasakyan.

Dumaan ang maghapon na hindi nya ko pinapansin. Magkasabay nga kaming nag-lunch pero hindi naman sya nagsasalita. Nakikinig lang sya sa usapan namin ni Chandria. Tapos nung uwian, di man lang nagba-bye. Tss. Badtrip.

Dumiretso na lang ako ng gym para mag-practice dahil malapit-lapit na rin yung sportsfest at para na rin mabawasan ang pagka-badtrip ko.

"Nasan na yung cheerer mo, bro?" bungad sakin ni Lance pagkapasok ko ng gym.

Strike one.

"Inspiration is the word pare. Hahaha." dagdag pa ni Troy.

"Inspiration? Baka naman girlfriend

na." Gabriel stated na lalong dumagdag sa pagka-badtrip ko. Napakuyom na ko ng kamao. Isa pa. Isa na lang.

Strike two.

"Ano Brix, si Shane muna habang wala si Khate? Gag* ka bro. Hahaha."

Agad kong kinuwelyuhan si Lance.

Kahit na pinsan ko pa sya, hindi ako magdadalawang isip na sapakin sya.

Strike three.

"TAPOS NA KAYO?! Tapos na kayong pagkatuwaan kami ni Shane? May idadagdag pa kayo?! Ang linis nyo eh noh? Ikaw Troy, never ka bang nagsabay ng babae? Ikaw Lance, never ka bang nag-cheat sa mga naging girlfriend mo? At ikaw bro, Gabriel. Never ka pa bang nang-iwan ng babae sa ere? T**g*n* lang. Gaguhan ba? Wag nyo lang kaming

pakialaman kung wala lang din kayong iisipin at sasabihing

maganda." pabato kong binitawan si Lance dahilan para mapasubsob sya sa sahig.

Kinuha ko na yung bag ko na kakalapag ko lang at saka padabog na lumabas ng gym.

Baka kasi masaktan ko lang sila. Pasalamat sila at naalala ko yung sinabi ni Shane sakin na bumilang ng tatlong pagkakamali sa mga gagawin ng kaibigan mo sayo bago ka sumugod.

Peste lang. Nakakagag* lang talaga.

Maybe they misunderstood my relationship with Shane. But f*ck those misunderstandings.

---

(Shane's POV)

"Gaga ka talaga Shane. Akala ko ba hihiramin mo si Brix? Duh. Kahapon na yung start ng panghihiram mo sa kanya. Alam mo Shane, hindi libro sa library 'yan si Brix na kapag inabot ka ng duedate, pwede mo pang i-renew. Kaya kung ako sayo, susulitin ko na yung time na ipinahiram sya sakin."

I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon