VICTORIA KAYEN YUSON POV
Kakaalis ko lang mula sa office ni Jane tambayan ko na kasi yun simula nung maging mag kaibigan kaming dalawa, at siya lang yung naging kaibigan ko dito sa Manila kahit na hindi maganda yung unang pagkikita naming noon sa probinsya.
Grabe napagud ako sa kakatawa kanina sa loob ng office ni Jane, si Boy Ingliss kasi eh nakakatawa hindi ko alam kong bakit ako natatawa pero kasi basta nakakatawa siya yun na yun period. Sa sobrang tawa ko kanina bigla akong nagutom -_-, hindi nga pala ako nakakain doon kanina kasi natulog ako. Samok pajud kayo tong lalaki ganiha -_- unsaon man daw nako pag tubag sa iyaha kong natulog ko tsk. (Ang gulo pa naman ng lalaki kanina, paano ko naman siya sasagutin kong natutulog ako tsk.)
Andito na nga pala ako sa loob ng school, malapit na kasi yung klase namin. Bago ako pumunta sa loob ng classroom, pumunta muna ako sa loob ng canteen. Eh sa gusto kong kumain muna bago pumasok -_-. Hindi kasi ako pwedeng umattend ng klase kapag gutom, hindi kasi ako nakakapag-isip ng mabuti kahit na hindi naman talaga kailangan ng pag-iisip HAHA char ra :P.
Pakanta kanta pa ako papunta sa canteen, natatawa nga ako sa kinakanta ko kahit na pinagtitinginan na ako ng ibang mga students sa hallway, bakit? Ano bang paki nila, hindi naman sila nakakaintindi eh kaya pinabayaan ko nalang sila at ipinagpatuloy yung pagkanta ko.
"Ano ba yang kinakanta niya?"
"Ang pangit naman ng kinakanta niya."
"Cheap Bitch."
Yan lang naman yung mga naririnig ko sa kanilang lahat na nadadaanan ko sa hallway. Bahala gud sila, wala koy pake sa ilaha duhr. (Bahala nga sila, wala akong pake sa kanila.)
"Dandansoy, inom tuba laloy. Ang tuba sa baybay, tam.is aslom jutay. Daling makahubog, pero makalipaaaaayyy." Yan yung kinakanta ng mga manong tambay sa labas ng bahay namin pag nag-iinuman sila. Sa pagkakaalam ko nga may isa pang Dandansoy na kanta, yung ano nga tawag dun? Yung kundiman bay un? Ah basta yun na yun. Klos kaya naku ang mga tambay sa gawas sa balay namo dati, bisag mga palahubog sila. (Close ko kaya yung mga tambay sa labas ng bahay naming dati, kahit na mga lasinggero sila.) kaya alam ko yang kantang yan.
"Yack! Ang cheap niya talaga kahit kelan, eww."
Kaarte pud niya! (ang arte naman niya!)
"Look, diba siya yung girl na ng away sa Jasen natin?"
Kung maka-NATIN mura mag iyaha. (Kung maka-NATIN para namang sa kanya.)
Ang mga babae gyud karong panahona, mura nag mabuang basta makakita'g gwapo nga laki, unsa may naa intawon anang gwapo? Dapat iingun pud nila sa ako.a para mabuang pud ko pareha nila, mga dalok! Ay dapat dili nako mabal.an kay basig mapariha ko nila nga mga buang, tsk! (Ang mga babae talaga ngayong panahon, parang baliw pag nakakakita ng gwapong lalaki, ano bang meron sa mga gwapo? Dapat sabihin nila sakin para maging baliw din ako katulad nila, mga madamot! Ay dapat hindi ko malaman baka ma-tulad ako sa kanila na mga baliw, tsk!)
BINABASA MO ANG
Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)
Teen FictionIs there any possibilities na magkakaintindihan ang dalawang lenggwahe? Magiging magulo kaya ang storyang to? Magiging maayos? O may makakaintindi kaya? And lastly, may mag tya- tyaga kayang magbasa nito ?? P.S: I'm still editing every chapter :). ...