KAYE'S POV
"Victoria"
"K-kyle??"
"Victoria"
"K-kyle i'm sorry kyle *sob* h-hindi ko naman sinasadya na itulak siya K-kyle."
"Wala kang kwenta !! Akala ko iba ka sa kanila ! Lumayas ka sa buhay ko !! Hindi kita kailangan !!!"
"Kyle wag !!!!"
"Kaye !!"
"Kyle please Kyle !!!"
"Kaye gising !!!!"
"KYLE !!!!!!"
"Kaye si Zhayke to."
P-panaginip lang pala. Ang sakit sakit kahit na sa paniginip lang yung. Ang sakit sakit. Paano nalang kong sasabihin niya yun sa personal ?? Paano kong iiwan niya ako?? Paano ko masasabing mahal ko siya kung magkagalit kami?? Paano ??
"Kaye . Tahan na please. Kanina ka pa umiiyak."
Andito pala si Zhayke. Paano niya ko nakita ?. Paano niya ko nadala dito sa kwarto ko??
"Ang sakit lang Zhayke. Sobrang sakit.*sob*"
Heto na naman yung nararamdaman ko. Ang kirot na nararamdaman ko kaninang iniligtas niya yung babaeng yun. Masakit. Sobra.
"Tell me Kaye. Anong nangyari??"
Ikinwento ko naman kay Zhayke yung nangyari kanina at gulat na gulat si Zhayke sa narinig niya.
"Bumalik si Bea??"
Kilala niya si Bea ?? P-pero ?? P-paano ??
"Kilala mo siya Zhayke??"
"O-oo Kaye. Siya yung bestfriend ko nung lumipat ako sa city. Siya yung tumulong sakin."
So kilala niya nga.
"Kaya pala sinabi niyang inagaw kita sa kanya. Kaya pala nasabi niya yun. Akala ko ba ako lang ang bestfriend mo ha ?? *sob* Akala ko ako lang ?? *sob* I hate you Zhayke *sob*."
"Kaye tahan na please. Wag ka ng umiyak Kaye. Nasasaktan ako Kaye. Kaya tahan na please."
"Ikaw? Nasasaktan ?? Nagpapatawa ka ba ha Zhayke??"
"Oo Kaye ! Nag papatawa ako !! Bat hindi ka tumawa ha ?? Nasasaktan ako Kaye !! kasi mahal kita !!!"
O____O m-mahal niya ako ?? P-pero bestfriend niya ako. Bestfriend ko lang siya. H-hindi pwede.
"Mahirap mang paniwalaan Kaye. Dahil bestfriend mo lang ako. At bestfriend lang din ang turing mo sakin. Pero Kaye mahal kita noon pa man. Bigyan mo ko ng chance Kaye para pasayahin ka. Bigyan mo ko ng chance para mapatunayan ko sayong kaya kitang mahalin. Mahal kita Kaye at lahat kaya kong gawin para sayo."
Totoo ba lahat ng naririnig ko sa kanya ?? Totoo bang mahal niya talaga ako?? Pero si Kyle ang mahal ko at hindi siya. Nahihibang lang siguro si Zhayke kaya niya nasabi yun.
Oo tama. Naaawa lang siya sakin dahil nagkakaganito ako at dahil umiiyak ako. Tama. Dapat hindi ako magpadala sa kanya.
"Mahal kita Zhayke bilang kaibigan at bilang kapatid ko. Yun lang kaya kong ibigay sayo Zhayke. Ang dami pa namang babae diyan eh. Hindi lang ako Zhayke. Mahal ko si Kyle Zhayke at alam kong alam mo yun. I love him and only him. "
Nakita kong lumungkot ang mukha ni Zhayke. Yumuko siya saglit, umangat muli yung ulo niya at ngumiti ng pilit. Alam kong nasaktan ko siya. Pero kailangan dahil ayokong umasa siya sakin..
"Alam ko yun Kaye. Alam na alam ko at ramdam na ramdam kong mahal mo siya. Pero Kaye wag na wag mong kakalimutang andito lang ako ha?? Dadamayan kita kahit na ano pang problema mo, okay?. Kaya tumahan ka na jan. Pumapangit ka lalo tipaklang."
Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Ito yung gustong gusto ko kay Zhayke. Kahit na nasasaktan na siya, hindi niya parin ako iniiwan. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mapasaya ako. Kaya nga mahal ko tong tipaklong kong to.
"Salamat Zhayke ^_____^"
"Matulog ka na Kaye, may pupuntahan pa tayo bukas. Okay?? Goodnight ."
Sabay halik sa noo ko. Ang sweet ni bestfriend. Ang swerte ng magiging girlfriend nito.
Pero san naman daw kami pupunta nito bukas ?? Tsk. Bahala na nga. Inaantok ulit ako.
Goodnight Kyle. Mahal kita ..
Kung nasan ka man.
BINABASA MO ANG
Babaeng Bisaya meets Lalaking Englishero(EDITING)
Teen FictionIs there any possibilities na magkakaintindihan ang dalawang lenggwahe? Magiging magulo kaya ang storyang to? Magiging maayos? O may makakaintindi kaya? And lastly, may mag tya- tyaga kayang magbasa nito ?? P.S: I'm still editing every chapter :). ...