Chapter 4

59 1 1
                                    

"Ok class anong masasabi niyo sa past?" tanong ni Mr. Zoo

Biglang tumayo si Sam at sinabing," Masakit, kaya dapat nang kalimutan."  sumigaw naman ang isa nilang kaklase.

"HUGOT!" sabay nagtawanan ang iba.

"Ms. Tiu, ang dami mong alam!" pagalit ni Mr. Zoo.

"Totoo naman Sir, bakit ba kailangan pang alalahanin ang nakaraan kung ibabalik lang nito ang sakit na naramdaman mo." gatong naman ni Angel.

"Hayy nako! Past ng Pilipinas pinag uusapan natin, ano bang pinag sasabi niyo dalawa kayo?" tanong ni Mr. Zoo

"Broken Hearted ata sir!" Sigaw ng isang lalaki.

"Shatap! Hindi niyo dapat dinadala dito yan, kung may problema kayo daanan niyo lang wag niyong tatambayan." sagot ni Mr. Zoo

Tinuloy niya ang pagtuturo tungkol sa pagsakop ng Espanyol sa mga Pilipino. Tahimik naman bumulong si Sam kay Angel.

"Salamat sa suporta bess."

"Wala yun bess pareho lang tayong nasaktan."

"Libre kita mamaya bess"

"Salamat bess."

Isang linggo na rin kasi ang lumipas mag mula noong pumasok si Sam sa bago niyang school. Hindi pa rin naman ulit nag kakasalubong ang landas nila ni Mico at hanggat kaya niyang iwasan ay iniiwasan niya ito.

"Pare, akala ko ba popormahan mo si Sam?" tanong ni Ryan kay Mico.

"Oo nga? isang linggo na ah wala pa rin nangyayari." sabad ni James.

"Easy nga lang kayo! iniiwasan na nga ako nung tao eh. Pati di niyo ba napansin? ang daming umaaligid na boys dun." sabi ni Mico.

"Oh yun na nga eh! baka gusto mong maunahan ka pa?" - Ryan

"Oo na hahanap lang ako ng tsempo." sagot ni Mico.

"Hi Mico, liligawan mo na ba ko?" paniningit ni Nicole sa usapan.

"Alam mo Nicole, assumingera ka ng taon! Hindi ikaw yung liligawan ko. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita type?"

"Huh? eh diba sabi mo gusto mo ng medyo chubby? yung maputi? yung mahaba buhok? ako naman yun ah? at ako lang chubby sa school na to!" sigaw ni Nicole.

"Oo nga pero ayaw ko ng ugali mo. Kaya tantanan mo na ko." pagkasabi ni Mico ay umalis agad siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Dumiretso sila sa canteen para bumili ng makakain. Sa hindi kalayuan ay natanaw naman agad niya si Sam.

"Hi Sam!"  bati niya sa dalaga. Hindi naman siya pinansin nito.

"Bakit ba ang sungit mo?" tanong ni Mico.

"Ayaw lang kitang kaibigan, so tsupi ka!" pagtataboy sa kanya ni Sam.

"At bakit ayaw mo?" tanong ni Mico

"Ayaw ko lang, bakit masama?" sagot ni Sam.

"Ok." umalis si Mico na may inis sa mukha. Inaasar naman siya ng kanyang mga kaibigan habang papalayo sila.

"Taray mo girl! Ikaw na suplada!" -Angel.

"Alam mo naman ayaw ko makipag usap sa mga lalaki diyan at pumoporma! Pagod na kong masaktan!"

"Nag Hi lang pinopormahan kana agad? gandang ganda ka rin sa sarili mo eh no?"

"Maganda talaga ko!"

Bae-byWhere stories live. Discover now