Chapter 5

39 2 0
                                    

Sabado ng umaga, niyaya ni Angel si Sam sa Sm. Gusto kasi niyang aliwin ang kaibigan dahil simula noong pasukan ay kung anu ano na ang nangyari dito. Mahilig pang mag bangayan si  Sam at Nicole dahil kay Mico na puro papansin kay Sam. Naawa tuloy siya sa kanyang kaibigan dahil lagi itong may kaaway sa campus.

"Girl, may bagong movie ngayon, gusto mo panoorin natin?" tanong ni Angel kay Sam.

"Anong movie?"

"Camp Sawi! hahaha"

"Pisti ka! Pumunta nalang tayo ng department store gusto ko ng bagong damit."

"Hahaha! Pikon mo talaga sisssss"

Habang papunta sila sa department store ay nakasalubong nila si Jake at ang bago nitong girlfriend.

"Sam?" tawag ni Jake.

"Oh Jake! Haaa.. ahh Hi."  mapait na tugon ni Sam

"Hi Jake! kasama mo pala yang mukhang tuod mong girlfriend." bati naman ni Angel.

"How dare you!" sigaw ng babae.

"I dare you!" pabalang na sagot ni Angel.

"Angel, pwede ba umalis na nga lang tayo. Ayoko ng gulo." sabi naman ni Sam

"Hey Angel chill kalang. Napadaan lang kami dito and unfortunately nakita ko kayo. Masama bang bumati?" tanong ni Jake.

"Oo masama! batiin mo yang sarili mo!" sigaw ni Angel sabay hatak kay Sam.

Lumayo sila at nagpunta sa sky garden.

"Ano ka ba naman bess! Ganyan ka ba talaga kahunghang? Talagang nakipagtitigan ka pa sa Jake na yun!" pagalit ni Angel.

"Sorry."

"Mautal utal ka pa talaga! May gusto ka parin ba dun? Akala ko ba naka move on kana?" tanong ulit ni Angel. Hindi naman na muling nagsalita si Sam, tumungo nalamang ito.

"Hayy, tara na nga umuwi nalang tayo. Kaysa dito ka pa mag emote."

Hinatid ni Angel si Sam sa bahay nito at umalis din siya agad. Naiinis na kasi si Angel sa kanyang kaibigan dahil hindi ito nakikinig. Samantala, binuksan naman ni Sam ang kanyang facebook at inistalk ang profile ng kanyang ex.

"Ilang linggo na lumilipas mag mula ng mag hiwalay tayo, ang saya saya mo na siguro ngayon. Lahat ng hindi mo nagagawa sakin nung tayo pa ginagawa mo sa bago mong girlfriend ngayon. Siguro nasakal ka talaga sakin kaya ka naghanap ng iba. Pero ginawa ko naman ang lahat ah? Minahal kita ng sobra, pero bakit ganito? Wala nang tayo pero dinudurog mo pa rin ang puso ko. Bakit ang hirap mong kalimutan? Lumipat ako ng school pero tadhana ang gumagawa ng paraan para makita ulit kita. Hindi ba pwedeng tayo nalang? Tayo nalang ulit."   sa isip isip ni Sam habang nakatitig sa picture ni Jake. Habang nag eemote ay bigla naman nag chat sa kanya si Mico.

Convo:

"Sammy!"

"Ano?! mang aasar ka nanaman? Sam lang hindi Sammy pauso ka naman!"

"Hindi, ba yan bakit mo ba kasi ako sinusungitan?"

"Bakit ba kasi? Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw."

"Huh? Anong ako? Monggoloid ka ba?"

"Hindi, autistic lang."

"Bakit nga? Ayoko ng gulo Mico. Nag aaral akong mabuti kaya tigilan mo ko."

"Ayoko nga."

Bae-byWhere stories live. Discover now