Chapter 17

23 1 2
                                    

Gumawa ako ng sandwich at nagluto ng pancit para sa picnic namin ni Mico. Alas dos na ng hapon kaya naman inilagay ko na sa basket ang mga dapat naming dalhin. Si Gino ay kasalukuyang natutulog sa crib at si Mico naman ay may kausap.

"Kamusta ka naman? Namimiss na nga kita eh, kailan ka ba uuwi?" narinig kong sabi niya sa kausap niya sa telepono.

"Maganda ka naman talaga. Walang kasing ganda. Hahaha. Malamang pulang pula nanaman yang mukha mo sa kilig."

Hmmmp! nakakainis! Bakit kailangan iparinig niya sakin na may kalandian siya? Sabi sabi pa siya dating gusto niya ko tapos parang ilang linggo lang may kalandian na siya. Mga lalaki nga naman.

Padabog akong umalis sa harapan niya at umakyat sa kwarto. Gusto ko muna sanang mag pahinga para naman may energy ako sa pamamasyal naming dalawa.

Unti unting bumagsak ang mata ko dahil sa pagod at hindi namalayang nakatulog na ako.

"Maganda ka talaga eh, masungit nga lang." narinig kong bulong sa akin. Dahan dahan ko namang dinilat ang mata ko.

"Gandang hapon." Bati sakin ni Mico na nakatutok ang mukha sa mukha ko. Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa gulat. Umayos siya ng pag kakaupo at saka muling nagsalita.

"Sarap ng tulog mo ah. Tara na alis na tayo."  Hindi ko alam bakit parang nawalan ako ng dila at di makapag salita. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Nasa sasakyan na kami at nakapasak sa kanyang tainga ang isang bluetooth headset. Habang nagmamaneho ay dada siya ng dada at kausap ang isang babae. Paano ko nalaman? Eh ang landi ng usapan eh.

"Haha alam mo nakakatuwa ka talaga. pag nakita kita kakagatin ko yang labi mo." sabi niya. O diba? Ang landi. Sa sobrang irita ko tumingin nalang ako sa labas para malibang si Gino naman kasi tulog at walang pakialam sa mundo.

"Hahahaha! Yeah right.. see you soon Love. Bye."

Pagkarinig ko noon ay puno na ng katahimikan. Ang dami namang pumapasok sa isip ko, "Love? So ibig sabihin may girlfriend siya? Tapos tinutulungan niya kami? Ano bang gusto mangyari ng lalaking to?"

"We're here. Ako na magbababa ng food kunin mo na si Gino." sabi niya, kaya padabog kong binuksan ang pinto at binalibag pasara.

"Hoy! Anong problema mo babaita?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at kinuha na lamang si Gino na umiiyak.

"Shhh tahan na bae.." sabi ko. Nagulat ko kasi sa pagdadabog ko.

"Ayan pinaiyak mo pa! Pwede ba Sam, huwag mo ngang ibusangot yang pagmumukha mo. We are here to enjoy, not to fight!"

"K." tipid kong sagot at sinundan siya sa paglalakad.

Napadpad kami sa isang lugar na may mga dami damo at malapit sa sapa. Nilatag niya ang dala naming kumot at nilabas ang inihanda kong pagkain.

"Here, open your mouth." sabi sakin ni Mico na kinagulat ko. Susubuan ako eh.. kanina lang magkagalit nga kami.

"Ano? Di mo ba bubuksan bibig mo?"

"Kaya kong kumain."

"Paano? Eh hawak mo nga yang bata?"

"I can manage."

"Daming arte, ngumanga kana nga!"

"Tsss." binuka ko ang bibig ko at saka niya isinubo yung pancit.

"Isusubo mo rin pala pabebe ka pa."

"Alam mo, tigil tigilan mo na nga yang pang aasar mo. Hindi naman nakakatuwa." iritable kong sabi.

"Ok." Tipid niyang sagot at di na ulit umimik. Kinuha niya sa'kin si Gino at kanyang nilaro. Wala na akong magawa kaya naman naglakad lakad nalang ako at iniwan silang dalawa.

Bae-byWhere stories live. Discover now