Chapter 20

21 1 0
                                    

"Ja--jake? Anong ginagawa mo dito?" Bungad kong tanong sa taong nasa harap namin ngayon ni Mico. Agad naman siyang lumapit sa'kin at yumakap. Tila naman ako natuod sa ginawa niya at di makagalaw.

"Sam... namiss kita.. pati ang anak ko." sabi niya pagkatapos akong yakapin.

"Pare.." singit ni Mico.

"Ahh.. Jake si Mico nga pala, kaibigan ko. Mico si Jake ang daddy ni Gino."  pagpapakilala ko.

"Nice meeting you Mico." sabi ni Jake  na inilahad ang kanyang kamay.

"Sorry, buhat ko ngayon si Gino. Sam, pumasok na tayo sa loob."

"Ahh.. tara Jake, pasok ka muna. Sa loob na tayo mag usap." paanyaya ko. Pagkapasok namin sa loob ay agad ko namang inalok si Jake ng maiinom. Tumanggi siya at umupo sa sofa.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong niya.

"Hindi pa ba kayo nag uusap ng lagay na'yan?" tanong ni Mico sa iritableng tono.

"Mico.. pwede bang pakiakyat na muna si Gino sa taas. Mag uusap lang kami sandali."laglag ang balikat na sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Just call me when you need help." saad niya at tuluyang umakyat.

"What do you want?" diretso kong tanong kay Jake.

"I want my baby back and.."

"and?"

"And I want you to come with us."

"A..ano?Nahihibang ka ba?"

"Please Sam.. I want you to come with us in New York."

"Hindi ako sasama!"

"Please.. Sam.. I'm begging you." pag mamakaawa niya sa'kin. Kitang kita ko ang lungkot Sa kanyang mga mata.

"Ano bang naisip mo at isasama mo pa 'ko? Pwede mo namang kuhain nalang si Gino."

"Ok na kami ni Dad. Nang malaman niyang nag punta ako ng ibang bansa para magtrabaho, nakiusap sa kanya si mommy para pabalikin ako, pumayag si daddy pero sa isang kundisyon.. Gusto niyang sumama ka sa'kin."

"Huh?! Anong trip naman ni tito?"

"Gusto niyang ikaw ang mag alaga kay Gino habang nag aaral ako. Ikaw lang ang kilala niya at mapagkakatiwalaan, gusto niya na ikaw mismo ang magpapalaki kay Gino sa loob ng tatlong taon o hanggang mag karoon ako ng babaeng pakakasalan ko na karapat dapat na maging ina ni Gino."

"Tatlong taon?Ma..masyadong mahaba.."

"Please Sam.. huwag mong isipin na para sa'kin to. Isipin mo nalang si Gino. Ayoko na habang maliit pa siya ay hindi na niya maramdaman kung paano maalagaan ng isang ina. I promise, hindi ko papahabain ng ganun katagal, I will convince dad na pabalikin ka rin agad dito. Pero please sumama ka muna sa'kin."

"Hi..hindi ako makapag desisyon agad.."

"I'll give you 2 days para mag desisyon.."

"Ahh.. sige.. pag iisipan ko.."

"Can I see him now?"

"Sige.. Teka.. Mico! Ibaba mo na si Gino." Ilang saglit lang ay kasama narin namin si Mico at si Gino.Kinarga naman agad ni Jake ang bata at tuwang tuwa si Gino ng makita ang kanyang ama. Mayroong naman namuong luha sa gilid ng mata ni Jake ng makita niya ang kanyang anak. Nakaramdam ako ng awa at tuwa. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Pwede ko ba muna siyang iuwi? Kahit dalawang araw lang?" tanong ni Jake.

"Si..sige.. Kukuhain ko lang ang gamit niya.." Dali dali akong umakyat at kinuha ang ilang gamit ni Gino. Pagkatapos noon ay naiwan kaming dalawa ni Mico. Hindi ako kumikibo at hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Bae-byWhere stories live. Discover now