Day 3
"Bess! mamaya ahh manood ka ng performance!" si Angel.
"Oo na kahapon ka pa paulit ulit." reklamo ni Sam.
"Ihhhh kese nemen eh beke eyew me pemente."
"Ba yan gel! shatap na nga!"
"Sige iwan muna kita ha? babush! Labyu friend!" sigaw ni Angel na papaalis
Huling araw na ng festival at wala pa rin nasasalihan si Sam na org. Sinubukan niyang lumibot at tignan ang bawat booth ng organization. Nakita niyang walang tao sa booth ng musiklaban at papel lamang ang nakapatong sa lamesa.
"If you are interested just put your name on it!" Pagbasa ni Sam sa nakasulat sa wall ng booth. Bago ilagay ang pangalan ay tinignan muna niya ang mga kasali. Napansin niya na puro lalaki ang nakasulat dito.
"Hayys bakit puro lalaki to? Ang taray magiging prinsesa nila ko? ganun? Wala naman akong ibang talent eh. No choice ako." sabi ni Sam na sinulat ang kanyang pangalan.
Sa kabilang dako, abalang abala naman sila James, Mico at Ryan sa paghahanda para sa kanilang performance.
"Brad, ok kalang ba?" tanong ni James kay Mico na kanina pa nangangatog.
"O..ok ..lang ako." sagot ni Mico
"Hala! anyare? bat nautal? mamaya ganyan ka nanaman." sabad ni Ryan.
"Hindi pa..pre.." si Mico
"ilang minuto nalang pare, nasa unahan si Sam nakita ko. Ikaw na bahala ahh?" sabi ni James
Emcees on Stage
"Good evening everyone! My name is Jap.."
"And I'm Nick."
"And we are your emcees for tonight!"
"Partner, tingin mo? Sinong org kaya ang mananalo ngayon?"
Sabay sabay na sumigaw ang mga estudyante at inihiyaw ang org na gusto nilang manalo.
"Wooahh! Grabe partner sila na sumagot. Pero let's just allow the judges to decide on that matter and to officially start our program.."
"May we call on the kdramahan goup!" both emcee.
Unang nag perform ang kdramahan ang org na sinalihan ni Angel. Si Sam ay wagas naman kung makatili dahil suportadong suportado niya ang kanyang kaibigan. Nag perform narin ang ilang org.
"Wow grabe partner! ang intense ng mga performance ngayon! hahaha"
"Oo nga partner basang basa na rin kilikili ko sa sobrang intense!"
"Tawagin na natin yung last performer para magkaalaman na kung sino ang wagi!"
"Ok! hahaha And now we call on the musiklaban group! Please come up on stage."
Namatay ang ilaw ng buong paligid natahimik ang lahat. Bumukas ang spotlight at nakatutok ito sa lalaking nakatalikod.
"Sino kaya yan.. Parang bagong vocalist nila yan ah." bulong ng isang babae.
"Di ko din kilala eh. tignan mo maigi di ganyan katawan ni James."
"Oo nga girl."
Nagsimulang tumugtog ang gitara at kumanta ang lalaking nakatalikod.
"Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama.."Humarap ang lalaki at nagtilian ang lahat. Natulala naman si Sam dahil iba ang itsura ni Mico sa harap ng entablado.
"Ahhh! Papa Mico!" Sigaw ng mga babae.
"Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara""I love you Mico!" tili ng isang babae. Si Mico naman ay nakatitig lang kay Sam. Hindi naman makatingin ng diretso si Sam sa di malaman na dahilan. Biglang palo naman ni James ng drums na lalong kinahiyaw ng lahat.
"Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alamMatagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas naDahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo
bumaba si Mico sa stage at lumapit kay Sam. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at tinuloy ang pagkanta
[Rap]
Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sa'yo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hindi
Kaya 'eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat mabitin paMahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma.." Natapos kumanta si Mico at nag hiyawan lalo ang lahat. Nakatulala lang si Sam at namumula ito hindi niya malaman kung anong reaksyon ang gagawin niya. Hinila siya ni Mico paakyat ng stage at pinakilala siya sa lahat."Good evening everyone! This is Sam my soon to be girl." Sigawan ang lahat.
"Sam, alam kong masyadong mabilis.. pero papatunayan ko sayo na I'm worth it and I deserve your love."
Hindi na nagsalita si Sam, nginitian na lamang niya si Mico na nagsasabing "Ayaw lang kitang ipahiya ngayon pero sa lunes yari kana sa'kin."
Bumulong naman si Mico kay Sam. "Alam ko yang ngiti mo eh. Sorry na agad, mahal lang talaga kita." Namula naman si Sam at hindi niya malaman kung bakit hindi normal ang pagtibok ng kanyang puso. Pumunta naman ang emcee sa stage at muling nag salita.
"Ehem.. at dahil agaw eksena kayo.. ang nanalo ay!!"
"Musiklaban!" both emcees.
Natapos ang gabing iyon na ang nanalo ay ang musiklaban, sumunod and kdramahan, at pangatlo ang Sayawan na org ni Nicole. Umuwi silang magkakaibigan ng masaya at may ngiti sa kanilang mga labi. Lalong lalo na si Sam na hindi pa rin maintindihan ang kanyang nararamdaman para kay Mico.
Pasensya na dahil tamad mag isip ang gumagawa ng story na 'to. 😂
YOU ARE READING
Bae-by
RomanceMico Cruz, isang desperadong lalaki na gustong magka girlfriend at si Samantha Tiu isang babaeng sawi na ayaw na mag ka boyfriend. Sila na nga ba ang bagay sa isa't isa? o Pinagtagpo lamang sila ngunit hindi itinadhana?