Chapter 9

32 1 0
                                    

"Samantha Marie!!" sigaw ni Angel mula sa baba. Bumalikwas naman agad ng bangon si Sam dahil alam niyang late na siya. Dali dali siyang tumakbo papuntang banyo at nagbihis. Hindi na siya nag abalang mag suklay at mag ayos pa dahil malelate na sila.

Isang araw ang lumipas mag mula noong gumawa ng eksena si Mico sa kanilang paaralan. Masyado siyang kinakabahan sa mga pwedeng mangyari sa pagpasok niya sa school. Nagpaalam naman agad siya sa kanyang mga magulang at hinila si Angel.

"Aray ko bess! atat na atat lang pumasok? Excited makita si Mico?" pang aasar ni Angel

"Manahimik ka nga, kaya kita hinatak agad dahil alam kong dadaldal ka tungkol diyan. Mamaya marinig ka pa nila mama."

"Sus tara na sakay na tayo"

Nakarating ang magkaibigan sa kanilang paaralan. Hindi naman mapakali si Sam dahil pinag titinginan siya ng iba pang mga estudyante.

"Bess, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Sam

"Wala naman bakit?" sagot ni Angel

"Pinagtitinginan kasi nila ko eh."

"Ang haba daw kasi ng hair mo!"

"Tara na nga bilisan na natin!"

Nakarating sila ng classroom at gaya nga ng inaasahan ni Sam ay late na sila.

"Good morning Ms. Tiu at Ms. Ferrer. Why are you late?" tanong Mr. Zoo.

"Traffic po sir." pagsisinungaling ni Angel.

"Daming alam. Sige na umupo na kayo."

Pagkaupo ni Sam ay nagkatinginan naman agad sila ni Mico. Si Nicole naman ay matalim na nakatingin kay Sam. Natapos ang kanilang klase at dali dali naman tumayo si Mico sinundan niya si Sam upang makausap sa nangyari noong nakaraang event.

"Sam, wait!" hila ni Mico kay Sam na nagmamadali sa paglalakad.

"What?!" pabulyaw ni Sam

"I'm sorry."

"For what? napahiya mo na ko Mico!"

"Sorry, I just want to make you happy, at isa pa totoo ang sinabi kong liligawan kita."

"Ligaw? Are you out of your mind?Basta basta ka nagdedesisyon. na liligawan mo ko without asking me kung payag ako?" pagrereklamo ni Sam.

"Kung tinanong kita papayag ka ba?"

"Of course not!"

"Oh kaya nga di kita tinatanong eh at isa pa gusto talaga kita so please give me a chance." pagmamakaawa ni Mico.

"No!"

"Sa ayaw at sa gusto mo manliligaw ako. Papatunayan ko sayo na totoo ang nararamdaman ko para sayo."

"Ewan ko sayo! Magdusa ka." Sabay alis si Sam at naiwan si Mico. Natapos ang araw na iyon at umuwi si Sam sa kanilang bahay.Hindi sila nag sabay ni Angel dahil may gagawin pa raw ito sa org nila. Pagkarating sa bahay ay nadatnan agad niya ang kanyang ina na naghahain sa hapag kainan.

"Anak may masama kaming balita sayo ng papa mo." seryosong sabi ng kanyang ina.

"Po? bakit po ma? ano pong nangyari?"

"Wala na akong trabaho anak." sabi ng kanyang ama na may lungkot sa mukha.

"Paano pong nangyari yun papa? Bakit daw po? Paano ang scholarship ko? Hindi na po ako mag aaral?" sunod sunod na tanong ni Sam.

"Hahahaha! Ang galing natin umarte mama!" sabi ng papa ni Sam.

"Ang panget ng itsura mo anak wag kang sumimangot. Hahaha! Binibiro ka lang namin ng papa mo." sabi ng mama niya. Si Sam ay napatulala lang sa kalokohan ng kanyang mga magulang.

Bae-byWhere stories live. Discover now