Chapter 12

24 1 0
                                    

Christmas Vacation

Sam's POV

Ilang araw na ang lumipas mula noong concert namin. As usual laging unexpected ang pinag gagawa ni Mico. Hindi ko naman kasi maintindihan ang mokong na yun, panay ang akbay sa'kin habang kumakanta siya, tapos titingin tapos ngingiti. Hayy ewan! Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kung ano talaga nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na rin naman siya madalas sinusungitan dahil hindi naman na 'ko inaaway ni Nicole, bakit? kasi bagsak bagsak siya inuna kalandian kaya ayun nag transfer. Hindi naman mahirap mahalin si Mico, He's a nice guy, gentleman, marespeto, at higit sa lahat lagi akong nililibre. Pero meron isang guy na nagpapadala sakin ng isang pirasong rosas araw araw, I asked Mico about it pero hindi daw talaga siya. So wala din naman akong magagawa kundi kunin at kunwari pasalubong ko kay mama.

*Riiing..

"Bessss!! 😭" tawag ni Angel sa kabilang linya.

"Ano?"

"Si Kurth!!"

"Bakit ano nangyari?"

"Ikaw ang gusto, hindi ako ."

"Huh? di kita maintindihan."

"Diba nga umalis kami ngayon? Akala ko date, yun pala magpapatulong sakin para maligawan ka niya."

"Lokong yun ahh?! nasaan? Uupakan ko!"

"Wag na besss.. tanggap ko naman na.. Mas masakit pag pinilit ko yung sarili ko sa taong hindi naman talaga ako ang gusto."

"Yun naman pala eh bakit ngangawa ngawa ka diyan?"

"Naholdap ako bess! Iniwan na kasi ako ni Kurth sabi ko hindi ko kaya! So nag walk out ako para may effects yung pag alis ko kasi nga masakit na hindi ako ang gusto niya.Iniwan ko siya kung saan, tapos nung malayong malayo na ko biglang may tumabi sa'kin na mamang mukhang arabo!"

"Oh ano gusto mong gawin ko?"

"Wag kang tanga bess! Kaya nga ikaw tinawagan ko eh! Puntahan mo na ko dito!!"

"Saan ba yan banda?"

"Sa may MOA."

"Ang layo naman?! mamalimos ka nalang ng pamasahe mo!"

"Gaga ka! Hiyang hiya na ko pinalimos ko lang pantawag ko dito sa pay phone!"

"Hayy pambihira! Sige hintayin mo ko sa may ferris wheel."

Sa MOA

"Timawang lalaking yun, gagamitin pa ko para lang sa kalandian niya. Asa siya! Di porket gwapo siya papayag na ko magpakatanga! Hmmp! Kainis nanakawan pa ko dahil sa kanya." sambit ni Angel sa kanyang isipan

"Hoyy! Kapre!" pang gugulat ni James

"Ayy baklang panot!"

"Mukha na ba akong bakla?"

"Hindi, panot lang. Ano bang ginagawa mo dito? Nang gugulat ka pa."

"Ha?! Ahh... ehh.. wala namamasyal."

"Layo ng pasyalan. Sino kasama mo?"

Bae-byWhere stories live. Discover now