Chapter 15

30 1 0
                                    

"What?! What did you just saySamantha Marie?!" Narinig ni Sam na sabi ng ina.

"Ma, ang sabi ko po, ako muna ang pinag alaga ni Jake sa anak niya habang nasa ibang bansa pa siya." mahinahon nitong sabi.

"Hindi ako bingi!Hindi kita pinalaking bobo anak! Naku sus kang bata ka! Anong alam mo sa pag aalaga ng sanggol?" 

"Eh ma, kaya nga po ako tumawag sa inyo. Kasi hindi ko po alam."

"Huwag mo akong idawit diyan sa kagagahan mo anak! Paano kana makakahanap ng trabaho? Huwag mong sabihin na aasa kalang sa ipapadala namin sa'yo?"

"Ahh...." di ito nakasagot, paano nga naman siya makakahanap kung wala naman magbabantay sa batang kinupkop niya.

"Hindi ko kukunsintihin yang kabaliwan mo! Di ko alam kung ano pumasok diyan sa kukote mo at inako mo pa yang bata! Kung wala kanang panggastos at hihingi ka, maghanap ka ng trabaho!"

"Ma, paano nga ko makakahanap eh wala naman magbabantay sa baby na to?"

"Problema mo na yan anak! Gumawa ka ng paraan. Matuto ka diyan sa pinag gagawa mo. Saka na ulit ako tatawag. Kiss mo nalang ako sa bata. Bye."

At ayun! wala din akong napala, sermon lang ni ina. Hayyy! Bakit ba kasi pumayag pa ako?  May pa kiss pa siya sa bata hindi ko alam kung ano talagang trip niya.

Saad ni Sam sa isip. Ang totoo ay wala na talaga siyang pera. Said na said na. Ilang linggo na kasing lumipas mag mula ng iwan ni Jake ang bata sa kanya, naubos narin ang perang naipon niya kakabili ng gatas ng bata. Wala naman siyang ibang malalapitan dahil busy ang bestfriend niya sa trabaho.

Kinarga ni Sam ang bata atsaka lumabas, sinubukan niyang maghanap hanap ng mapagtatrabahuhan. Pagkasakay niya sa isang jeep ay nakita niya ang dati niyang kaklase na si Marge.

"Sam?Ikaw ba yan?" tanong nito.

"Marge?! Kamusta kana?" masayang bati ni Sam

"Eto, manager na sa isang club. Ikaw? Pamilyado kana?"

"May nakita lang na hawak akong sanggol pamilyado na?" sa isip ni Sam. "Nako hindi ahh! Ako lang nag babantay sa batang 'to. Ikaw ba?"

"Hindi pa! Pero may boyfriend syempre."Kinikilig na sabi ni Marge.

"Ganun ba? I'm happy for you!"

"Anyway, saan ka ba pupunta?"

"Hmm.. maghahanap sana ako ng trabaho eh. Yung part time lang. May alam ka ba?"

"Wow! Sakto! Kailangan namin ng waitress eh, gusto mo ipasok kita?"

"Ha? Sa club niyo?"

"Oo, minimum naman sahod dun, at 6-12 ang pasok mo."

"Ahh ehh.. kasi... walang mag babanatay sa bae ko.. este Gino pala."

"You can bring him with you, mukhang behave naman yang baby mo eh."

"T.. talaga?"

"Yeah sure, sumama kana sakin ngayon para mapakita at ma orient kana agad."

"Naku Marge! Salamat ng marami ha?"

"No problem!"

Nakarating sila sa club na papasukan ni Sam. Wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang trabaho dahil wala na siyang panggastos kay Gino.

"Oh, eto uniform mo, pag may mag table sayo, sabihin mo sa'min ok?" sabi ng babaeng nag oorient sa kanya.

"Po? Table? Kala ko ba waitress lang ako?"

Bae-byWhere stories live. Discover now