Chapter 6

29 0 0
                                    

"Good afternoon Doranians! Next week we will celebrate our BackPackers festival. Each student must be a member of any organization. Activities will be posted tomorrow and all the organization that you can join. Good day and thank you!"  Pag aannounce ng president ng student council. Nagpalakpakan naman ang lahat ng estudyante.

"And also you can wear civillian." pahabol ng president. Lalong naghiyawan ang mga estudyante. Pwede kasi silang magsuot ng kahit ano kapag sinabing pwede mag civillian wag lang papasok ka ng naka panty at bra lang at sobrang iksi na short.

"Bakit naman sobra sila mag hiyawan?" tanong ni Sam kay Angel.

"Magandang event kasi yung BackPackers Festival."

"Huh? Paano naging maganda?" tanong ni Sam

"Maraming Activities at isa na dun ay performance ng bawat org. Contest yun eh sa last day na ng festival yun and also may mga sub activities like basketball and volleyball."

"Sino mga maglalaban sa volleyball at basketball?"

"Balita ko ang makakalaban ng school natin ay yung Diegonians eh. Di pa ko sure."

"Ahh ok." Tipid na sagot ni Sam. Alam kasi niya na kasali sa varsity ang kanyang ex kaya malaki ang posibilidad na makita niya ulit ito.

"Teka ano ba gusto mong salihan na org?"

"Ano bang pwede sa'kin?"

"Hmmm. Wala ka naman kasing talent bess! hahaha!"

"Baliw! kaya ko mag bass!"

"Ayy oo nga pala edi sa Musiclaban ka."

"Ano yun?"

"Edi mga mahilig sa instruments pati mga singer."

"Geh. Ano ba sayo?"

"Dun ako sa Kdramahan"

"Aba! alam ko yan! haha actingan no? magaling ka diyan eh."

"Oo naman! Tara na pasok na tayo sa room."

Pagpasok nila sa room ay agad naman nag bida bida si Nicole

"Hi classmate! Walang babae ang pwedeng sumali sa org ni Mico! Klaro?" si Nicole.

"K." tipid na sagot ng mga kaklase nito.

"Mabuti naman. At ikaw Sam, huwag ko lang malaman na sasali ka dun. Kung hindi yari ka sakin."

"Wapakels!"

"Burn!!" hiyaw ng mga kaklase nila.

Nairita si Nicole at padabog na bumalik sa upuan. Pumasok si Mico at kasunod nito ang kanyang prof. Natapos ang klase nila ng araw na iyon. Pagod ang katawang lupa ni Sam kaya naman umuwi din agad siya ng bahay.

Sa bahay..

"Oh anak! Bakit mukha kang adik? Nagshahabu kana ngayon?" tanong ng kanyang ina.

"Ma naman! Di ba pwedeng pagod lang? hayys."

"Sungit naman this daughter! Sige na magbihis kana at kumain para makapag pahinga ka ng maaga." sagot ng ina.

Nagmano si Sam sa kanyang ina at ama. Sinunod niya ang sinabi ng kanyang mama at pagkatapos ay humilata sa kwarto.

Samantala, si Mico kasama ang kanyang mga kaibigan ay nag practice pagkatapos ng klase. Sinigurado nila na ang ipeperform nila ay makakaantig ng puso ng lahat at mapapasaya ang bawat manonood.

"Pare! Sure na yan ah! Kakanta ka." sabi ni James kay Mico.

"Oo, para kay Sam. Basta ayusin niyo ah gawin niyo kung ano plano natin."

Bae-byWhere stories live. Discover now