Mico's POV
Tinititigan ko si Sam habang nakahiga. Nandito kami ngayon sa condo nila Ryan. Noong nawalan kasi siya ng malay kanina ay agad ko siyang inilabas sa bar para makasinghap siya ng sariwang hangin. Ilang minuto lang ay nag karoon din agad siya ng malay noon, ngunit tulala lamang siya. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanya ng bigla ulit nitong pinikit ang kanyang mga mata. Dadalhin na sana namin siya sa hospital ngunit bigla itong nag hilik. Kaya heto at pinatulog muna kami nila Ryan sa condo niya dahil hindi ko narin kaya pang mag byahe.
Tumayo ako mula sa gilid ng kama na hinihigaan niya. Dumiretso ako sa banyo para makapag linis ng katawan. Init na init na rin kasi ako sa suot ko kaya mas mabuti nang maligo bago matulog.
Habang naliligo ay mag narinig akong lagabog. Dali dali kong kinuha ang tuwalya at agad tumungo kung saan banda nanggaling ang tunog na 'yon.
"Aaaaaw.. ang sakit." nakita kong hawak ni Sam ang kanyang ulo at ang kanyang balakang. Dali dali naman akong tumakbo papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay.
"Sam?! anong nangyari sayo?!"
Sam's POV
Nananaginip ako na mahuhulog na raw ako sa isang bangin. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako bumagsak.
"Awww.. Ang sakit.." pag angal ko. Eh sa masakit talaga yung ulo ko pati yung balakang ko. Malay ko bang totoo palang mababagsak na ko. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Mico ang kamay ko.
"Sam?! Anong nangyari sayo?!" tanong niya sa akin na ikinabigla ko.
"A..ayos lang.. masakit lang ulo ko at balakang, ang sama ata ng pagkakalaglag ko sa kama." sagot ko.
"Goodness!" biglang yakap niya. "Akala ko kung ano na, kanina mo pa ko pinag aalala." Namula naman ako at hindi ko alam bakit parang ang lamig lamig niya at parang basa.
"A-- eh sorry kung nag alala kayo. Pero Mico, matanong ko lang." Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at tumingin sakin.
"Ahhhhh! Bakit ka nakahubad?! Bakit ka basa?!" natataranta kong tanong ng makita kong nakatapis lang siya ng tuwalya.
"Ahh.. ano ... kasi naliligo kasi ako.. nung narinig kong may lumagabog dali dali akong pumunta dito, akala ko na kasi kung ano na nangyari sayo eh." pagpapaliwanag niya. Tinakpan ko naman ang mga mata ko bago muling magsalita.
"Umalis kana!! Mag bihis kana dun! Bilisan mo!!"
"E-eto na." agad naman itong umalis at tumakbo pabalik ng cr. Tulala naman akong tinitignan ang pituan dahil hindi ko maabsorb ang mga nangyari.
Bumalik ako sa pagkakahiga, ilang minuto ang lumipas at pumasok si Mico sa kwarto na may dala dalang pagkain.
"Ahh.. Sam, kumain ka muna."
"Si-sige paki lapag nalang diyan."
"May iniwan na rin akong gamot, inumin mo para matanggal sakit ng ulo mo."
"Salamat." tipid kong sagot. Wala akong masabi.
"Magpalit kana rin ng damit bago matulog."
"Ok.Eh? Saan ka matutulg?"
"Sa Salas."
"Huh? kasya ka ba dun? Dito ka nalang din sa kwarto."
"Ok lang sa'yo?"
"Ha?! ahh.. ehh.. harangan nalang natin ng unan yung gitna. Malaki naman tong kama eh."
"Sige. Salamat." at nakita ko ang kanyang pag ngiti na ikinapula ulit ng mukha ko.
YOU ARE READING
Bae-by
RomanceMico Cruz, isang desperadong lalaki na gustong magka girlfriend at si Samantha Tiu isang babaeng sawi na ayaw na mag ka boyfriend. Sila na nga ba ang bagay sa isa't isa? o Pinagtagpo lamang sila ngunit hindi itinadhana?