"Ano nanaman kalokohan ginawa mo Sam?! Wala lang ako ng ilang araw kung anu-ano na nabalitaan ko!" sabi ni Angel.
"Aba! Yang biik mong kaklase! Binully ako!Pati isa pa napagbalingan ko lang ng sama ng loob yung lalaking nakabungguan ko. Kaya ayun." paliwanag ni Sam. Nasa canteen sila ni Angel habang nagkukwentuhan. Puro sermon naman ang inabot ni Sam sa kanyang kaibigan dahil sa mga nangyari. Ilang araw din kasi siyang pinag iinitan ni Nicole at kung anu anong pag papapansin at pang iinis sa kanya. Minsan kapag nakikita ni Mico ay pinag tatanggol siya pero pag wala naman ay hinahayaan na lamang niya dahil nga meron pa siyang kaso sa OSA.
"Huy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Angel.
"Oo nga! Paulit ulit ka mas matindi pa yung sermon mo kesa sa sermon ng nanay ko." pang aasar ni Sam.
"Oh paano ngayon yan? Lagi akong mauuna umuwi sayo after prelims?"tanong ni Angel.
"Pwede rin naman na tulungan mo kami tapos sabay na tayo uuwi."
"Ewan ko sayo! Bahala ka diyan sa kagagahan mo!" sabi ni Angel.
"Oo na! tatanong ka tapos magagalit ka sa suggestion ko." Bigla naman may lumapit na lalaki sa lugar kung saan sila kumakain.
"Hi!" bati ng binata. Napatulala lang si Angel sa nakita niyang lumapit sa kanila si Sam lang naman ay kain ng kain.
"Alam mo Angel, masarap yang kinakain mo kaya akin nalang." sabay agaw ni Sam sa pagkain. Nagtataka naman siya dahil sa iba nakatingin si Angel, napatingin naman siya kung saan ito nakatingin. Nagulat siya ng makita niya yung lalaking nasaktan niya.
"Huh? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Sam.
"Wala. Nag hi lang talaga ako." sabi ng binata sabay ngiti.
"Ahh ok. Hi din. Sige na alis kana."
"Hahaha! Ganyan ka ba talaga kasuplada at katapang?"
"Ahh? Hindi naman? Bakit may kailangan ka ba?"
"Wala, gusto ko lang sana makipag kaibigan." sabay ngiti ulit.
"Ayoko. Kaya sige na alis na."
"Ehem." narinig ni Sam na sabi ni Angel.
"Oh Hi! My name is Kurth. Kurth Malbas, Ikaw?" inilahad ng binata ang kanyang kamay kay Angel.
"Ahhh.. Angel.. Angel Ferrer." ngiting pacute si Angel.
"Nice meeting you Angel. Pwede ka bang kaibigan?" tanong ni Kurth na nakangiti sa kanya. Gwapong gwapo naman sa kanya si Angel kaya tumango lang ang dalaga. Nagulat naman si Sam sa mga inaasta ni Angel.
"Angel! seriously? talagang nag lalaway ka?" sabi ni Sam.
"Tsss! Bess! Hayaan mo na si Kurth!" sabi ni Angel.
"Hahaha! Oo nga wala naman akong ibang intensyon."
"K." Tinuloy nalng ni Sam ang pagkain at tumabi naman ang binata kay Angel.
"So, ano naman ang pangalan mo?" tanong ni Kurth.
"Ahh siya si Sam. Bestfriend ko." sagot ni Angel. "Transferee ka no?" dagdag ni Angel.
"Yup, Business Administration course ko 4th year. Ikaw?" tanong kay Angel.
"Pareho tayo pero Finacial Management Major. Ilang taon kana?"
"22, Ikaw?"
"19. Haha alam mo ang sarap mo pala kausap." Sabi naman ni Angel.
"Talaga? Haha Salamat."
YOU ARE READING
Bae-by
RomantizmMico Cruz, isang desperadong lalaki na gustong magka girlfriend at si Samantha Tiu isang babaeng sawi na ayaw na mag ka boyfriend. Sila na nga ba ang bagay sa isa't isa? o Pinagtagpo lamang sila ngunit hindi itinadhana?