Epilogue

23 1 0
                                    

After 5 Years

"Are you ok?"

"Of course not!"

"Hayy, Sam.. 5 years na nakalipas oh.. Mag mumukmok ka parin ba diyan?"

"Eh anong magagawa ko? Na late ako ng dating."

"Wag kang OA diyan! may pag asa ka pa!"

"Hayy nako Angel!"

"Momsiii!!"

"Yes baby Gi? May problema ba?"

"Hmm... I just want some chocolate icecream.. "

"Okay, hintayin mo nalang ako sa salas."

"Oh ayan, paano ka naman kasi magkaka lovelife eh talagang inatupag mo pa yang tukmol na yan ampunin mo na kaya."

"Pwede ba gel, kung wala kang matinong sasabihin shut up ka nalang!"

"Sam! May nanay at tatay na yang batang yan! Bakit ba kasi hanggang ngayon ikaw ang nag aalaga diyan?"

"Nasa honeymoon nga yung dalawa! Alangan istorbohin ko?"

"Oh eh pano ngayon yan? Alam mong ang tagal tagal kang hinintay nung tao, kasi nga alam niyang 3 years ka lang sa New York , tapos nag extend ka pa ng 2 years? Aba paasa ka girl."

"Eh kaya nga hinayaan ko nalang siya kay Nicole.. Ayoko naman nang manira ng relasyon, mukha namang masaya na siya."

"Loka loka ka talaga. Hindi ko alam kung maawa ba ko sayo o ano eh. Kailan mo ba balak ipaalam sa kanya na nandito kana sa pilipinas?"

"Hindi ko alam, baka hindi ko nalang din ipapaalam. Tutal naman masaya na siya ngayon."

"Drama ng buhay mo girl, wag ka nga plastik!"

"Panira ka talaga ng moment kahit kailan. Umuwi kana nga sa inyo!"

"Hoy! Niyaya mo akong mag overnight dito tapos papauwiin mo ko? Adik ka?"

"Eh ang pangit kasi ng mga pinagsasabi mo eh."

"Hayy... oh eto seryoso na.. Balita ko malabo na raw sila ngayon ni Nicole eh.. "

"Huh? Bakit naman?"

"Ang sabi sa'kin ni James may iba na daw nagugustuhan si Nicole. Masyado raw kasing walang oras si Mico sa kanya. Pati on and off kaya sila, ang gulo nga.. Kaya kung ako sayo, magpakita kana. Malay mo diba ito na yung chance."

"Sige na nga, sasama na ko sa reunion."

"Sige girl! Paghandaan natin yan. Mabuti pa ibigay mo na yang icecream dun kay Gino matutunaw na eh."

"Ayy sige. Wait lang ha."

Lumabas ako ng kusina at ibinigay kay Gino ang chocolate icecream na hiningi niya. It's been 5 year mag mula noong nakauwi ako dito sa Pilipinas, oo sumobra ako ng 2 years, paano kasi, nang malaman ng mga magulang ko na nasa ibang bansa ako.m, sumunod sila sa'kin doon dahil sakto naman daw na may gagawing trabaho doon si papa. Hindi nila ako pinaalis kaagad kaya heto ako ngayon, kasama pa rin ang batang makulit. Well alam naman niya na hindi talaga ako ang mommy niya, at malapit na rin sila ng step mother niya. Isang taon palang nakakalipas mag mula ng ikasal si Jake at si Amanda, nasa akin si Gino dahil anniversary ng dalawa at ako daw muna ang mag alaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bae-byWhere stories live. Discover now