Chapter 16

27 2 0
                                    

"Sssshhhh! Keep Quiet.. baka magising si Tita Sam."

"hihihi!" narinig kong tawa ni Gino.

"Shhhh! ang kulit mo." narinig kong sabi ng isang lalaki. Si Gino naman ay tawa lang ng tawa. Si Gino? tawa ng tawa? may kausap na lalaki?!!!! Bigla kkong dinilat ang mga mata ko ng marealize ko na may iba kaming kasama sa bahay.

"Ahhhhhh! A...anong ginagawa mo dito?!" garalgal kong sabi sa lalaking nasa harapan ko.

"Hmmm? Wala?"

"Mico?! bakit ka ba narito?! Ang aga aga nambubulabog ka! at isa pa paano ka nakapasok?!" paano ba namang di ka mapapasigaw, naka pantulog lang ako tapos ganto niya ko madadatnan? Hindi ako prepared!

"Lower down your voice Sam! Masyadong masakit sa tainga yang bunganga mo. I have my spare key remember?"

"S..sorry." nasambit ko, medyo ang hard ng pang real talk niya eh."Eh bakit ka nga nandito? At bakit may dala kang mga bag?"

"I'm staying here." tipid niyang sabi.

"You what?!"

"Yo've heard it right Sam. Sa ayaw at sa gusto mo dito muna ako sa bahay niyo."

"At sino may sabi?! Ayoko! Umuwi kana sa inyo!"

*krrriiiiing.

❤️Mommy Calling

"Hello Ma, good morning po, napatawag po kayo?"

"Kamusta kana anak? Nabalitaan ko nangyari sa'yo kagabi ahh. Ok ka lang ba?"

"Ok lang po ma, paano niyo po nalaman?"

"Naikwento sa'kin ni Mico. Si Gino? ok lang ba?"

"Opo ma, ayos lang din. Nagkakausap kayo ni Mico?"

"Oo nak friend kami sa facebook, nakachat ko siya kagabi at kinamusta ko. Nandiyan na ba siya?"

"Ha? ahhh.. opo.."

"Mabuti naman, sabi ko kasi samahan ka muna niya diyan sa bahay para naman may kasama kayo ni Gino."

"What?! Ikaw nag suggest nun ma?" napatingin ako kay Mico at inirapan ko siya. Nakita ko naman na ngingiti ngiti ang loko.

"Yes anak, magpapadala kami sayo ng daddy mo ng pera and I want you to invest half of it para naman yun muna ang pagka abalahan mo."

"Ma kaya ko na po mag isa. Hindi ko na kailangan ng tulong ni Mico."

"Pwede ba anak? wag naman matigas yang ulo mo. Doon siya sa kwarto namin matutulog kaya walang problema. Sige na babye na. Iloveyou."

"Hayyy opo ma, ingat kayo iloveyou too."
Pagkababa ko ng telepono ay agad kong hinarap si Mico.

"Talagang hindi mo tinanggihan si mama eh no?"

"Syempre naman, nag aalala rin kasi ako sa inyo. Pati huwag kang mag alala hindi naman kita pagsasamantalahan. Hindi na kita type."

Bae-byWhere stories live. Discover now