Ilang araw ang lumipas, hindi kami masyadong nagtatalo at palagi pa rin siyang may kausap sa cell phone. Hindi ko alam kung bakit lagi akong naiirita pag naririnig ko lagi ang mga sagutan niya sa kausap niya. Ang landi kasi ng mga naririnig ko kaya siguro ganito nalang ako kainis.
"Hey, Sam." tawag niya sakin, nilingon ko siya at binigyan ng tingin na nagsasabing bakit.
"Gusto mo bang sumama mamaya sa party nila Ryan?"
"Huh? Ahh.. ehh.. bakit? anong meron?" shocks walang may alam sa mga kaibigan namin na magksama kami sa iisang bahay at may alagang bata.
"Ikakasal na ang loko..."
"I-ikaw nalang.. Ano.. kasi.."
"Bakit? Sumama kana.. sinabi ko naman na sabay na tayo."
"Eh paano si Gino?"
"Iiwan ko nalang muna kela mama."
"Se-seryoso? alam ba nila?"
"Yup, nagsabi ako bago lumipat dito."
"Sige. Anong oras ba?"
"Mamayang 7 pm daw. Nasabihan na rin niya sila Angel, sabay na daw sila ni James."
"Sige. Aayusin ko lang gamit ni Gino."
"Bilisan mo para madala narin natin siya kay mama, magbihis kana rin para diretso na tayo sa party."
"Ok." umakyat ako sa kwarto at hinanda ang mga gamit ni Gino, nilagyan ko na rin ng extra na damit dahil pawisin ang bata. Pagkatapos ko iyong ayusin ay pinatulog ko muna siya. Iginayak ko ang sarili ko at nagsuot ng isang simpleng dress at flat shoes.
Isang oras ang lumipas, bumaba ako dala ang gamit ni Gino at buhat siyang tulog na tulog. Sinalubong naman ako ni Mico at agad na kinuha si Gino. Habang kinukuha ay magkalapit na magkalapit ang mukha naminig dalawa. Umiwas ako ng tingin dahil nakita ko ang labi niyang namumula.
"Let's go Sam." Aniya.
Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong agad ako ng kanyang mama.
"Mico!! Nasaan na ang apo ko?" tanong nito. Nahiya naman ako dahil para na rin niyang sinabi na anak naming dalawa ni Mico si Gino.
"Ma, ano ka ba naman. Wala pa kaming anak ni Sam. Huwag kang excited." at lalo akong namula.
"Ahh basta! Nasaan na ba ?"
"Ahh good afternoon po tita. Heto po si Gino, pasensya na po kung nakaabala kami. Mamaya rin po kukunin din namin siya." sagot ko.
"Naku ok lang Sam! haha kahit bukas niyo na siya kunin. Malamang kasi gagabihin na rin kayo.
"Salamat po talaga tita"
"Ma, nasaan si papa at Rock?"
"Ang papa mo bumili ng diaper at gatas. Si Rock naman nasa kaklase niya."
"Bakit pa bumili? Eh may nilagay naman diyan si Sam."
"Eh hayaan mo na, alam mo naman yun excited mag ka apo."
Biglang nagising si Gino at tinitigan ang mama ni Mico.
"Naku!! ang gwapo gwapo! sigurado ako pag kyong dalawa na ang may anak mas gwapo pa sa batang 'to."
YOU ARE READING
Bae-by
RomanceMico Cruz, isang desperadong lalaki na gustong magka girlfriend at si Samantha Tiu isang babaeng sawi na ayaw na mag ka boyfriend. Sila na nga ba ang bagay sa isa't isa? o Pinagtagpo lamang sila ngunit hindi itinadhana?