1st day of Festival
"Bessy! kasali ka pala sa Amazing Race eh!" sabi ni Angel
"Oo nga eh paano ba ginagawa dun?" tanong ni Sam
"Edi mag rerace! hahaha"
"Ano nga?! kainis naman to."
"Haha may mga station lang na pupuntahan tapos paunahan matapos."
"Ahh anong meron sa bawat station?"
"Malay ko haha bakit di ka pumunta kaya? mag warm up kana."
"Pisikalan ba yun?"
"Medyo haha."
"Sige nood ka ha? una na ko."
Umalis si Sam at nagpunta sa field. Medyo maraming tao noon, nagpalit na rin siya ng P.E uniform para komportable siya sa paglalaro.
"Guys listen! make sure na alam niyo kung nasaan ang mga kaibigan niyo ha?" sabi ng facilitator.
"Para saan pa?" tanong ng isang participant.
"You might need their help." tipid na sagot ng facilitator.
Hinanap naman ni Sam ang kanyang mga kaibigan at natanaw niya agad ito nakita niya si James, Mico at Ryan pati si Angel. Kinawayan niya ang mga ito at nginitian. Ilang minuto lang ang lumipas at nagsimula na ang game.
1st Station:
Buuin ang kanta. (Marry You by Bruno Mars)Inabot si Sam ng isang minuto bago mabuo ang kanya. Agad siyang tumakbo sa susunod na station. Pumasok siya sa loob ng isang madilim na tent.
2nd Station
Isuot ang unang costume na makukuha."Ano bang trip nila? pano ko malalaman kung ano suot ko? Ang dilim dilim dito wala akong makita! Mamaya nakakahiya pala to. Hayy!"
Lumabas si Sam sa loob ng tent, nagulat ang lahat dahil nakasuot ito ng wedding gown.
"Nice Sam! wala ka na ngang poreber naka wedding gown ka pa!! hahaha!" pang aasar ni Angel
Tumakbo naman agad si Sam sa last station, gusto na niyang matanggal ang damit na suot niya at matapos ang kahihiyang pinag gagawa niya. Siya kasi ang nangunguna sa lahat ng participant.
3rd Station
Hatakin at isamang itakbo si Crush papuntang finish line."What?! wala akong crush dito!" pasigaw na nasabi ni Sam.
"Eh yan nakalagay eh, kung ako sayo mag hatak kana tignan mo yung mga boys oh mamaya ikaw hahatakin niyan." sabi ng facilitator.
"Argggh! ano ba naman yan! Hindi niyo sinabing pang kalandian tong game na to!" reklamo ni Sam na agad tinuon ang paningin sa mga kaibigan. Tumakbo siya at agad na hinatak si Mico.
"Oh saan mo ko dadalhin?" tanong ng binata.
"Basta! daming sinasabi! bilisan mo na para manalo ko!"
"Teka teka!" hinila ni Sam ang kamay ni Mico at sabay na tumakbo sa finish line. Sila ang nakakuha ng first place.
"Nanalo ka Sam! hahaha!" sabi ni Mico.
"Ako pa ba? salamat ha?" hingal na sabi ni Sam
"Haha wala yun bakit pala ako hinila mo? Ano bang gagawin sa station 3?" tanong ni Mico
YOU ARE READING
Bae-by
RomanceMico Cruz, isang desperadong lalaki na gustong magka girlfriend at si Samantha Tiu isang babaeng sawi na ayaw na mag ka boyfriend. Sila na nga ba ang bagay sa isa't isa? o Pinagtagpo lamang sila ngunit hindi itinadhana?