Chapter 1: Unexpected

271 3 7
                                    

Chapter 1

Unexpected

----------------

Ako nga pala si Nairalee. Naira na lang for short. College student ako sa Far Eastern Universtiy, Fine Arts major in Advertising Arts ang course ko, wala lang share ko lang. 

Naniniwala ako kay Cupid. Oo, yung maliit na bata na may pakpak na may arrow kung san pinapana niya ang dalawang tao na para sa isa't isa. At balang araw, tatamaan din ako ng pana niya. 

Papunta ako sa jollibee, dun kasi pinag usapan naming magkakabarkda na magkita kita. 

Mejo tumagal ako papunta dun sa jollibee na pinag usapan namin, late ako, at first time kong malate dahil sa may klase pa ako.

"Oh andito na si Naira"

(A/n: Naira ------->)

"Dali upo ka na dito."

Umupo na ako sa tabi ni Hannah. 

"Bakit? Ano bang meron?"

"Punta tayong Ocean Park! Tapos naman na mga klase naten eh."

"Eh 4:30 na Joan, baka pag dumating na tayo dun gate na lang maabutan natin."

"Baliw! Hanggang 8PM bukas ang Ocean Park. Kung aalis na tayo ngayon, makakapanood pa tayo ng Musical Fountain! Tara na dali!!"

Eksayted ang dalawa. Hinatak na nga nila ako sa kinauupuan ko. Grabe wild talaga ng mga bestfriend ko.

"Teka di pa ako nakakapag paalam kay mama.."

"Napaalam ka na namin, sabi ni tita basta daw hatid ka lang namin, okay lang daw."

"Wow... talagang pinag planuhan niyo to ah.." 

"Namerns!"

"Tara na." 

Nag taxi kami papunta dun sa Ocean Park. Mahaba haba din ang byahe kasi traffic. Dumating na kami dun mga 6:20 na ng gabi, bumili na kami ng ticket namin, Ticket for Musical Fountain Show, at Oceanarium lang. Can't afford na eh, ang mahal kasi eh. Haha! 

------

Pumila na kami para sa 7PM show ng Musical Fountain. 

"Ang haba ng pila fren...!"

"Tanga ka talaga, alangan namang konti lang ang pila, eh tuwing gabi lang naman to."

"Talagang natanga mo ako Joan ah?"

Tapos nagtawanan kami. Mahaba haba din ang hinintay namin, kaya picture picture muna. Di naman mawawala yun kapag umaalis kami. Kulang na nga lang picturan pa namin ang isa't isa habang umiihi sa banyo. 

"Ui tama na, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Sabe ko sakanila, nahihiya na kasi ako.

Tumigil naman na sila,

"Sabagay, baka maubusan pa ng battery tong digicam ko at di ko ma video yung show mamaya."

6:50 nagsimula ng magpapasok yung mga staff. 

Sandali lang at nakapasok na kami sa loob. Laki. Parang stadium ang dating hahaha!

Dun kami sa gita umupo para damang dama ang show. 

"Ui dali tara picture picture!"

"O sige... 1, 2, 3"

*click*

"Ayan na, wait.. i vi-video mode ko lang.."

Tapos may lumabas na na animated fish na nag sasalita ng welcome welcome at pinapaalis yung masamang... nakalimutan ko na! Basta yun. Tapos nag wave wave pa para daw mapa alis yung masamang monster.

When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon