Chapter 9: The Boys

124 4 0
                                    

Chapter 9

The Boys

Walang pasok! At birthday ng isa sa mga bestfriend ko ngayon, si Carla. Nandito na yung dalawa kong bestfriend na si Joan at Hannah. Ang aga aga nandito. Excited kasi sa birthday ni Carla. Dala na yung swim suit at pamalit nila, may extra extra pang damit kasi mag o-overnight kami kila Carla. Dalawang to talaga...

Alam niyo naman na siguro ginagawa nila dito sa kwarto ko di ba?

"At putek rank down! Badtrip."

"Tanga mo kasi Joan eh. Sabi ko sayo mag t-spin ka na lang."

"Eh sa hindi ko kaya!"

Tetris. All the way. 

Bangayan silang dalawa dahil tong si Hannah tinuturuan si Joan mag t-spin at di matuto-tuto. Nako naman talaga.

"Hoi mga babae. Mag aalas-dos na. Sabi ni Carla sakin punta na daw tayo dun bago mag 2."

"Eh 3PM pa di ba?"

"Oo nga. Eh pinapapunta na tayo dun eh."

"Ganun ba? O sige."

At inayos na nila ang gamit nila. Tinawagan na ni Joan si Steve kung gusto niya pumunta pero hindi daw siya pwede ngayon, kaya wala siyang date. Pero abnormal tong si Hannah, syempre, tinawagan muna niya yung boyfriend niya para magkita kita kami dun sa Jollibee at agad namang umoo si Red, eh ang problema..

"Ui Ivan! Pupunta ka?"

Nanlaki yung mata ni Joan.

Naka loudspeaker kaya rinig namin ang boses ni Ivan.

"San?"

"Sa birthday ni Carla.. Di ka ba niya ininvite? Invited ka daw sabi niya sakin kanina... akala ko pa naman alam mo.."

"Ha ganun ba? O sige sunod na lang ako sakanila. Anong oras daw ba?"

"3PM! sa house nila ha? Mag o-overnight swimming daw tayo dun sakanila."

"Wow. Ganun ba? O sige sige... kasama ba si..."

"Si....?"

"...Joan?"

Alam niyo naman na siguro yung reaksyon ni fren Joan ko di ba? Ayun.. nagtatatalon sa sobrang kilig at tuwa. Kulang na lang talaga tumambling siya sa daan at masagasaan ng truck. Hahaha joke lang. 

"Ah.. oo. Bakit?"

"La lang. Sige sige I'll hung up na."

"Okay. See you later!"

*beep*

Pagkababa na pagkababa ni Hannah sa call, agad namang binatukan ni Joan si Hannah sa sobrang saya. Kasi naman diba.. crush na crush ni Joan si Ivan, at to think na, siguro iniisip ni Joan na hinahanap siya ni Ivan, kikiligin at kikiligin talaga siya. 

"Aray ko Joan."

"I love you ibig sabihin niyan."

At binatukan din ni Hannah si Joan.

"I love you too yun."

At tawa na sila ng tawa. Dumating na din si Red. Naka pang swimming na attire talaga kaming 4. Muka kaming tanga dahil nasa tapat kami ng jollibee at ganun ang suot namin. Imaginin niyo na lang.

"Oh tara na."

Excited na yaya na samin ni Joan.

"Teka lang."

Sabi ko..

"Bakit?"

"May hinihintay pa ako."

When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon