Chapter 2
Unknown Guy
Dalawang araw na ang nakakalipas ng makita ko si Kuya-i-don't-know-who sa souvenir shop sa Oceanpark. Di ko kasi talaga siya makalimutan sa sobrang pogi niya. Promise ako na nagsasabi sainyo talaga. Kahit na alam kong mas matangkad ako sakanya ng kaunti. Haha
Nag lakwatsa nanaman kaming magkakaibigan. This time kasama namin yung boyfriend ni Hannah, mabait din naman siya at parang barkada na din ang turing namin sakanya.
"Star City tayo, gusto niyo?"
Yaya samin ni Red, boyfriend ni Hannah."
"Libre mo ba?"
Pabirong tanong ni Joan sakanya, habang ako naman ay hawak ang aking bag at nakikinig na lang sakanila.
"Oo naman, di ko naman kayo yayayain kung hindi eh."
"Wow gumaganon ka na ah? Sige ride all you can yung tickets naming tatlo ha. Pag yan hindi i bre-break mo si Hannah namin!"
"Grabe ka naman Joan! HAHAHAHAHA!"
Sabe ko at nagtawanan kami. Syempre biro lang ni Joan yun, ganun lang yun.
"Gora na tayo."
Sabe samin ni Hannah.
Nag as usual, di sila sanay ng palipat lipat ng sasakyan kapag nag cocommute kaya, taxi nanaman.
"Car sickness nanaman?"
Tanong ko kay Red, madali siyang mahilo sa mga aircondition na sasakyan, sabi naman niya samin di siya sa aircon talaga nahihilo pero dahil daw sa amoy neto, sabagay nakakahilo naman kasi talaga yung amoy.
"h-hindi ba o-obvious?"
"Mejo. Sige ipikit mo na lang yan."
Mejo traffic na, hapon na kasi kami umalis ng school papuntang galaan namen. Mga 7:30 na kami nakarating dun sa Star City.
--------
"Hanggang ang anong oras tayo ngayon?"
"Hanggang 11 lang tayo ah... Di kasi ako pinayagan ni Papa na lalagpas pa ng 12 eh."
Sagot ni Hannah sa tanong ni Joan.
"O sige mahaba pa naman ang oras eh."
Sabi ko.
"Pasok na tayo."
Sabi samin ni Red dala yung ride all you can and entrance namin. Sineryoso nga talaga niya.
"Talagang sineryoso mo ah? By the way, thank you. Hehe"
"Wala yun. Tagal ko din kayong di nakasama eh, dito na lang ako babawi."
At yun na, ginawa na ni ate ang kanyang seremonya na pagdidikit lalagay ng ticket namin na parang bracelet at tatak samin. Parang elementary students lang na nakakuha ng perfect score sa quiz. Yey!
---
Una naming sinakyan ang paborito ng barkada. Ang Wild River. At himala na ang konti lang ng pila. Kaya madali kaming nakapasok.
UUUWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!
Sigaw ng mga babae at lalake(?) dun sa mataas na pababa.
"Gusto kong ma experience sa harapan. Ako sa harapan ha.. Walang kokontra."
"K."
Tuwing nag wa-wild river kasi kami o jungle log jam sa enchanted, laging sa dulo si Joan at ako palagi sa harapan, kaya nakakapanibago na gusto niya sa unahan this time.
BINABASA MO ANG
When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]
Teen FictionI was searching for the one for me. Believing that Cupid will shoot his arrow to me and to him. But Cupid didn't go easy to me.. as he plays around.. to my feelings..