Chapter 3: I Don't Know Who

151 4 2
                                    

Chapter 3

I Don't Know Who

Dalawang araw na ang nakakalipas since nag Star City kami nila Hannah, Joan at Red. At heto ako ngayon, prini-print ang picture kong panget na kasama si i-don't-know-who na nakatingin sakin na di ko alam kung sa camera angle lang ba yun o nakatingin talaga siya.

Tapos na ang isa sa mga klase ko today, isang subject na lang at pwede na akong umuwi. 

"Joan punta lang akong locker ha?"

"Sige hintayin ko kayo dito ni Hannah."

"Sige.."

Nagpunta na ako ng locker room para kunin yung materials ko. Ang tanga ko kasi eh, ngayon ko pa lang tatapusin yung lettering plate ko. Kainis. Hanggang ngayon nasa letter I pa lang ako ng pangalan ko. Buti na lang at may isang oras pa ako bago ang next subject ko.

---

Habang naglalakad ako, may tumawag sa pangalan ko pero wala namang tao and pag harap ko..

*boooogssshhh!!* 

May nabangga ako. Ang malas naman talaga. Wala naman kasi talaga akong balat sa pwet pero lagi akong minamalas.

"Okay ka lang ate?"

"Oo okay lang ako."

Sabi ko habang tinutulungan niya akong pulutin ang books ko.

"Sorry ha, di kasi ako tumitingin sa dinadaan ko eh.. Sorry talaga ate.."

"Deh wala yun, ako rin naman eh--"

Pagkatingin ko sakanya dahil pareho naming naabot yung isang book, si.. Joseph. 

"Oh ikaw pala yan, Neira?"

"Naira."

"Oh sorry.. It's a small world after all... didn't expect you to meet you here.."

Sabi niya habang nakangiti sakin. Pinulot na din niya yung isang book.

"Akin na yan, sorry ha? Di ko sinasadya."

"No, it's okay, since kasalanan din naman natin, hehehe. Tara samahan na kita sa locker mo."

"Di okay na ako.."

"Isipin mo na lang na heto yung way ko sa pag so-sorry sayo, okay?"

Tumungo na lang ako, since nag pipilit siya. Cute din naman siya, palagi siyang nakangiti sakin eh. Hahaha.

"So... Kamusta na kayo ni insan?"

"Ha?"

"Sabe ko, kamusta na kayo ng pinsan ko.. kelan pa kayo?"

"Sira, di kame nun, di ko nga kilala kung sino yun eh.."

"Oh?"

"Oo, muka bang hindi?"

"Oo."

At tumawa kami. Fun naman pala siya.

"Friends na tayo ha?"

"Sure."

Nakipag friends sakin si Joseph. Okay lang saken kahit di ko siya nakilala o naging kaklase nung high school, elem o nung kinder.

Nakarating na kami dun sa locker ko, kinuha niya yung book ko para daw mabuksan ko yung locker ko. At habang kinukuha ko na yung materials ko may sinabi siya sakin,

"May sasabihin ako sayo tungkol kay Insan.."

"Ano naman yun?"

Tinanong ko yun na parang hindi interesado pero sa loob  loob ko, interesadong interesado ako.

When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon