Chapter 5: In My Dreams

152 4 0
                                    

Chapter 5

In My Dreams

"Achoooo!!!"

"Yan ang napapala ng nakikipag date habang umuulan. Tsk tsk tsk."

"Baliw! Di ko naman ginusto yun no...."

".......talaga?"

"...slight."

*boogsh*

Binatukan ako ni Hannah. Landi ko daw kasi. Hahaha...

"Oh inumin mo muna tong tinimpla ni tita na hot choco."

Favorite ko yung hot chocolate ni mommy, kahit mainit ang panahon yun ang iniinom ko. Abnormal noh? 

"Pero teka. May gusto ka ba kay Nathan? Kaw ha... yieee hahahah."

"Gusto? Di ko alam eh."

"DO RE MI FA SO LAN DI MOOOOOO~~~"

"Sige lang Hannah pakita mo sakin yang singing talent mo in a bad way..."

"Totoo naman kase. Di mo na lang sabihin na may crush ka sakanya. Chansingan daw ba si Nathan at i-date si Joseph. Hahahaha."

Nakikinig si mommy. Pero sanay na yun sa dalawa kong kalog na kasama na palaging puro "landi" ang lumalabas sa bibig nila kapag pinag uusapan ang love life kong ewan.

"Dun na lang kayo sa kwarto niyo anak. At mag bihis ka na din. Sinisipon ka na oh."

"Sige po mommy."

Actually bahay yata talaga ni Hannah at Joan tong bahay namin. Sila pa talaga kumuha ng twalya at mga pamalit ko instead na ako.

"Mag bihis ka na dyan. O baka gusto mong bihisan ka pa namin?"

"BALIW! Sige na. Mag computer kayo muna dyan. Bihis lang ako."

At pumasok na ako sa C.R and did my job. Lol. Mejo natagalan ako dahil piniga piga ko pa yung shirt ko at hirap na hinubad ko yung skinny pants ko. 

Pagka-labas ko. Nakita ko tong dalawang babae tong tutok na tutok sa pinapanood? o tinitignan nila? Di ko alam eh. Nakatalikod kasi ang study table ko, kung san nakalagay ang laptop ko sa c.r sa kwarto ko. Kaya di ko alam kung anong tinitignan o pinapanood nila.

"Ano yan?"

"Tinitignan namin yung profile ni Joseph."

Nag fe-facebook pala. Bakit si Joseph? Kung pwede namang si Nathan. May facebook pala yung cute na mokong na yun. 

"Fren.. look."

Pinakita sakin ni Joan yung picture ni Joseph, actually di si Joseph yun. Kundi isang malaking doll na may bestida. Bakla?! Pero yung bestida niya, kaparehong kapareho ng bestida na binili niya para sakin.

Naka caption pa dun.

"Alam niyo ba? Kasing ganda ng barbie doll na to ang taong may kaparehong damit na to <3"

Naka credit dun sa photo yung ate niya na may ari ng barbie na yon.

"Oh my god... Ang swerte swerte naman nung girl na yun.. sino kaya siya... my gahhhhhhdd.."

Kinikilig na sabi ni Joan sakin.

"Hoi may Steve ka na."

"Correction. Ivan po."

"Wusus.... pero may pag asa naman si Steve?"

"Meron naman.. hamak naman kasing mas magaling sumayaw at mas cute ni Steve kesa kay Ivan. Mas ma appeal lang talaga si Ivan."

When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon