Chapter 4
Under The Rain
Tapos na ang klase ko. At nagpunta ako sa favorite place ko, book store. Di ko kasama ngayon ang dalawa kong kalog na kaibigan; si Hannah may date kay Red, si Joan naman kasama ang manliligaw niyang si Steve, thou ang type niya ay si Ivan. Ako naman mag isa.
As usual, walang love life. Di pa kasi kami pinagtatagpo ng lalaking nakalaan para sakin, ang kulit ni Cupid eh. Di man lang ako bigyan ng clue. Well, meron naman akong ina-admire ng patago, oo, si Nathan. Yung lalaking nagpapaturo saking mag lettering, at habang pumipili ako ng libro na gusto kong basahin, nakita ko tong libro na, "Different Yet Simple Letterings."
Napa isip tuloy ako na may mga tao pala talagang nagpapaturo na mag lettering. I picked up the tutorial book. Then naghanap na ako ng libro na pwede kong mabasa, I suddenly remembered na may binabasa pala akong series book. The 39 Clues. Mahilig kasi ako sa mazes. Di lang halata sakin.
I bought the 11th and last book of the first series. Dahil nasa National Bookstore ako, bumili na din ako ng coloring materials ko. Bumili ako ng panibagong color pencils, water colors, oil pastel and markers.
Nagpunta na ako sa counter at binayaran lahat ng yon. Lumabas na ako sa National Bookstore. Nagutom ako kaya kumain ako sa KFC.
"Ahmmm... Barbecue Rods po, large na po yung drinks with extra java rice po."
"hmmmhmmm.."
Sorry ulit. Dahil nakalimutan ko ang presyo kung magkano yun XD.
Dala dala ko na ang tray ko papunta sa table. Tinignan ko ang phone ko, nag check ako kung may messages ko, pero wala. Andito naman ang wallet ko sa bulsa ko pero parang may kulang... andito nga ang pinamili ko sa National Bookstore pero parang may kulang pa din sa mga dala ko....
PUCHA YUNG BAG AT MGA LIBRO KO!!!! Pucha ang tanga tanga tanga tanga tanga tanga unlimited ko talaga. Ang bobo ko. Sobra, as in. Kaya pala feeling ko ang kapal kapal ng wallet ko kasi dun ko pala nilagay yung number. Bobo ko talaga.
Edi kinain ko na ang aking Barbecue Rods with extra java rice ng sobrang bilis. Sa sobrang katangahan ko ulit. Nakagat ko ang dila ko, akala ko kasi yung barbecue kaya nginuya ko. Taaangaaaaaaaa... tanga tanga talaga.
Wala naman si Hannah at Joan para pagtanungan ko ng number. Ang ginawa ko na lang kung ilang tao ang dadaan sa harap ko sa loob ng isang minuto, yun ang number! O diba? Kabaliwan lang talaga. Naniniwala kasi ako na kung anong letter yung number na binigay ng pinagtanungan ko, iniisip ka ng taong unang maiisip mo.
5....... 2....... 1........ 4........ 1........ 1......
Okay times up. Tapos na ang isang minuto. 14 ang dumaan. And that's letter N. Wala akong maisip na kakilala o ka close ko na letter N kaya tinapos ko muna yung pagkain ko. Baliw lang po. Pagpasenshan na.
-------
"Manong yung bag at libro ko po."
Sabay abot dun sa guard yung number 6112.
"Akala ko di mo na babalikan eh... Tinawag kita, pero dere-deretso ka pa din sa paglalakad."
"Sensha na po bingi lang... ehehehehehe..."
Total package ako no? Total package ng mga kabobohan at katangahan.
At inabot na ni manong yung bag at libro ko.
Papalabas na ako ng biglang---
*boooggshhh*
Nahulog nanaman ang books ko.
BINABASA MO ANG
When Cupid Is Playing Around... [On-Hold]
Ficțiune adolescențiI was searching for the one for me. Believing that Cupid will shoot his arrow to me and to him. But Cupid didn't go easy to me.. as he plays around.. to my feelings..