THIS STORY IS NOT MINE !!!! maganda po kasi kaya inulit ko sana po magustuhan nyo
:)
__________________________________________________________________________________________
***Prologue ***
"Mine!"
Takbo rito...Takbo roon...
"Mine! Mine! Mine!"
*PRRRRRRRRRRRRRRRT*
Napatingin kaming lahat kay coach Vicedo, ang naghahandle ng varsity volleyball.
"Sir bakit?"
"Practice is over. Pwede na kayong makauwi. May emergency meeting ang teachers."
Aw, pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Ayos! Lahat kami tuwang tuwa at dumiretso na sa locker room at naligo na.
"Oh Andy, uuwi ka na agad? Daan ka muna kina Che, may party eh."
"Party? Eh araw araw na yatang may party kina Che eh. Saka, marami pa akong gagawin. Saka nalang."
"Oh sige. Ingat sa pag-uwi."
Lumabas na ako sa locker room, at syempre, mabango na ulit. Pagkababa ko eh dumiretso ako sa classroom kasi doon ko pa imemeet yung barkada ko. Sabay sabay kasi kaming umuuwi. Pagdating ko sa classroom eh laking gulat ko na nakikipagtalo na naman si Cheeky kay Kit, ang aming sc president.
"HOY! Mr. Kit! Hindi porket SC president ka eh pwede ka nang manlait ng mga baklang katulad ko. I may be gay! But I'm a proud gay!"
Hay, naku, si Cheeky talaga. Oo nga pala, Chester ang tunay na pangalan ni Cheeky. Nakilala ko yan nung 1st year high school pa lang ako. Aba, kakaiba pa yung approach niya sa akin, biruin niyo, makikipagkilala nalang yan eh bibigyan ka pa ng pasa. Sabi niya, remembrance daw. Hmf. Yan nga rin pala ang may kasalanan kung bakit ako natuto ng gay language tulad ng mga ang chaka chaka o kaya mga kung ano pang kaekekan. Basta, nakakatuwa nga eh.
"Oh Cheeky, tama na. Nag-uusok na naman yang ilong mo oh."
Yan naman si Cheska. Ang kakambal ni Cheeky. Magkabaliktad sila ng ugali ni cheeky, dahil siya sobrang tahimik saka ayaw sa gulo. May pagkawar-freak din kasi ang kambal niyan eh.
"Oo nga naman Cheeky, tama na."
Ayan si Marla. Mabait yan, elegante. Kaya nga yan nagustuhan ni Stephen eh, yung isa ko pang kabarkada.
"Huy Cheeky ano ba..."
At syempre, ang kukumpleto ng barkada namin, si Vince. Sa mga kabarkada ko, siya na ang pinakaclose ko. Kilala ko kasi yan mula pa nung bata ako eh. Pareho kaming laking France at pareho ding lumipat dito nung magsimula kaming mag-aral. Magkaibigan kasi yung pamilya namin eh. As in close talaga.
"Oi Kayo, tara na nga..."
Lumingon naman sila sa akin at parang gulat pero ngumiti rin.
"Cheeky ah...tama na yan."
"Hmf! Pasalamat ka Mr. Kit at dumating ang friend ko kung di, hmf!"
Yung Kit naman na sinasabi ni Cheeky eh yung student council president-slash-habulin-slash-soon-to-be-valedictorian (obvious kasi) na kabatch namin. Okay sana siya eh, kaso parang ang laki ng grudge niya sa mga bakla. Ewan ko ba diyan, wala naman ginagawa si Cheeky diyan.
Gaya nga ng sabi ko kanina, sabay sabay na kaming umuwi. Pinakamalapit sa school namin si Stephen kaya siya pinakaunang nadaanan. Naglalakad lang kami kasi hindi rin naman ganoon kalayuan ang mga bahay namin. Walking distance lang talaga.