chapter 27

70 0 0
                                    

***Chapter 27 

"Argh! Darn! Bakit ba kasi hindi ko sinulat yung recipe?!?" 

Grabe, mag 30 minutes narin siguro yung nakakalipas magmula nung magsimula akong magluto. Ang nagagawa ko palang eh palambutin at balatan yung kalabasa. Hay, bad trip naman oh! 

"Hmm...toyo ba yun o patis??" 

Patis yata...tama...patis yun. Sige, patis nalang ilalagay ko. At yun, tuwang tuwa ako sa sarili ko kasi nasimulan ko narin yung pagluluto. Hindi ko naman nilahat yung kalabasa. Kalahati lang yung niluto ko para kung may gusto silang ibang luto nun eh may natitira pa. 

"Andito na kami!" 

Tinago ko naman kaagad yung niluluto ko. Buti nalang at natapos na ako sa pagluluto kung di naku, mabubuko yung plano ko. 

"Anu-ano binili niyo?" 

"Well itong si Cheeky eh puro mga chocolate ang binili."

"Aba! Nagrereklamo ka? Sige, wag kang makahingi sa akin mamaya ah!" 

"Ito naman oh..hindi na mabiro." 

Aba, si mukhang masyado na yatang napapalapit itong si Marla kay Stephen ah. 

"Sina Myka naman eh bumili ng maiinom natin para bukas." 

Well, at least meron sa kanila na bumili ng kelangan talaga. Kung magsalita ako eh no parang hindi rin ako ganoon diba? Wahehe. 

"Sige, iinit ko lang yung ulam tapos kain na tayo." 

Medyo nagpanic naman ako kasi ng diba, sa microwave ko tinago yung kalabasa. "Ako nalang mag-iinit." tapos nun eh tumakbo na ako bago pa man sila makapagsalita. 

Pagdating ko naman dun eh kinuha ko kaagad yung bowl nung kalabasa. Medyo napaso nga ako eh buti hindi ko nabitawan. Tinabi ko muna siya tapos ininit na yung adobo na ulam namin kanina. Whew. 

"Andy?" 

"Uy, bakit?" 

"Wala naman." 

Nginitian ko lang siya tapos nung tumunog na yung microwave eh kinuha na ni Myka yung food at pumunta na sa dining area. Ako naman eh kinuha ko narin yung kalabasa na niluto ko at pumunta na roon. 

Nagkatinginan nga sila sa akin nung pumasok ako eh. Nagulat pa nga sila at may hawak akong ulam. "Myka sana hindi ka na nagluto pa ng kalabasa. Ang dami pa nito oh." 

Kumunot naman yung noo niya. "Hindi ako nagluto niyan..." 

"Tama siya. Ako nagluto nito." nanlaki naman yung mga mata nila tapos nun eh nagsimulang magsalita sabay sabay. "Pwede ba, subukan niyo man lang muna bago niyo husgahan?"

Tumango naman sila, mukhang takot na takot nga eh. Si Kit naman, well normal na walang expression sa mukha. What do you expect?

Hindi muna ako kumuha at hinintay ko nalang sila matapos. Si Vince yung unang kumain at... 

"*coughs*" 

Sobrang inubo siya. Wah, ganoon ba talaga kapangit nung lasa nung luto ko? :'( nung nakita nilang nangyari yun kay Vince eh binalik kaagad nila yung mga kinuha nila na kalabasa. 

"Hay, bakit ganoon? Sinunod ko lang naman yung sa Tv eh.." 

"Kung anu mang channel yun malamang makakasuhan sila niyan." napatingin naman ako kay Omar nun tapos nakita kong siniko siya ni Kit. Hay, tama si Omar. 

O baka naman dahil ako yung nagluto eh kaya ganyan yung lasa. Nagsimula na silang kumain nun ng walang imik. Ako naman eh nawalan ng gana kaya nakaupo lang ako dun at tinititigan yung kalabasa. Nagulat nga ako ng biglang may kamay na kumuha dun sa bowl. 

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon