***Chapter 16
Nung Sunday eh pumunta kami sa bahay namin. Nagulat nga ako sa sarili ko kasi namiss ko rin yung Ate kong maarte at yung kapatid ko na sobrang adik sa gameboy. Sila kaya namiss ako?
"Ikaw?! Bakit ka namin mamimiss? Naging peaceful nga itong bahay nung wala ka eh." natawa naman ako kasi expected kong sasabihin ni Ate Cass yun.
"Asus! Ay nako Ate Andy, pakipot lang yan si Ate Cass. Nung mga unang araw mo nga dun eh parating dumadaan sa bahay niyo. Para na nga siyang stalker eh." aba, tignan mo nga naman, namiss pala talaga ako ni evil sister ko.
"Bakit ikaw Herc? Diba nung unang gabing wala si Andy eh umiyak ka at hindi ka pa makatulog?!" natouch naman ako.
Inawat naman sila ni Mama pagtapos nun kasi nakakahiya daw kina Tita Kris at Tito Oliver. Ewan ko, ayos lang sa akin kasi naenjoy ko yung fact na namiss ako ng evil siblings ko. Hahah, ang sweet.
"Mag-iisang buwan narin pala kayong magkasama ano?"
Tumango lang kami ni Kit, at syempre, as expected mula kay Kit, hindi siya gaanong nagsalita. Minsan tuloy napapaisip ako, kapag kasama kaya niya si Myka eh madaldal kaya siya? Hmmm, siguro...yan ang dapat bago kong alamin para mas maayos ko yung operation Match Making ko. Mwahahaha.
"Hoy, anong nginingisi ngisi mo diyan?" Bigla naman akong napatingin kay Kit, teka, ngumingisi na pala ako.
"Wala, bakit ba?" Naku po, mukhang nahahawa na ako sa kasungitan nito.
"Mukha ka kasing nababaliw."
"Inggit ka lang."
Tumingin siya sa akin nun at nagtaas ng kilay.
"Bakit naman ako maiinggit sa pag ngisi mo?"
"Ewan, basta alam ko inggit ka lang. Hmf." at yun, hindi ko na siya pinansin after nun. Alam ko naman kasing wala ng patutunguhan yung pag-uusapan namin eh saka mas may importante pa akong kelangan na gawin kesa sa pakikipagsungitan diyan kay Kit.
For the rest of the day, wala na masyado pang nangyari maliban nalang dun sa pagpapakita ni mama kina Tita Kris at Tito Oliver ng baby pics namin. Grabe, bakit ba hobby ng parents na ipahiya ang kids nila with that stuff?
Anyway, mga 8 na kami umuwi. Hindi naman problema para sa amin ni Kit yun kasi malapit lang yung bahay namin dun at syempre, preparation week lang nitong week na darating.
The next day maaga akong pumasok. Ewan ko, feel ko lang kasi na magmaaga na pumasok eh. Dumaan naman ako una sa art room at merong painting dun na bago. Hay, paano kaya nakakapaint ng walang nakakakita itong si Mr. Artist?
Kakaiba yung painting ni Mr. Artist ngayon, yung facial expression nung babae eh sobrang seryoso. Parang sobrang concentrated sa ginagawa niya. Tinignan ko naman ng maige yung background tapos napansin na tumutugtog pala siya ng piano. Wow talaga.
Umalis na ako after nun at syempre nag-iwan ng gamit sa locker, hindi ko naman kasi kekelanganin lahat ng yan this week eh.
"Hey stripes! Kamusta plano?" grabe naman itong si Omar! Nagmana yata kay Kit! Hmf! Nanggugulat na nga, nananawag pang stripes! The heck, why can't they forget about that?!
"Please wag mo akong tawaging Stripes?"
Tumawa naman siya nun tapos tumango lang. "Okay, I'm sorry. So, kamusta nga yung plan?"
"Ayun, ayos naman. Nagkaroon sila ng matagal na time with each other. Ikaw ha! Iniwan mo ako! Anong klaseng business partner ka?!" at ayan na naman siya sa katatawa niya. Hmf, nakakainis na ah.
