chapter 7

101 0 0
                                    

***Chapter 7 

The next day, maaga akong nagising. Mga 4 pa nga lang yata nun kaya naisipan kong mag-internet nalang muna. Buti talaga pinalagyan na nina mama ng dsl itong bahay na ito kung naku po, uuwi parin ako sa amin kung ganoon. Syempre, bago ako mag-internet, ginawa ko muna mga morning rituals ko. Naligo narin ako tapos nagsuot lang muna ng pambahay. Nag-online ako sa ym tapos bigla ba naman nagbuzz yung si mr. Cuteboi. Aba ang aga naman yata nitong lokong ito. 

cuteboi: GOOD MORNING! 

cuteboi: kamusta? 

cuteboi: aus k lng ba? 

<BUZZ> 

Aba, at ang taas pa ng energy niya ah. Ano kayang nakain nito at alas-4 pa lang ng umaga eh sobra na kung mangulit? 

sassygirl: aga n10 ah 

cuteboi: kw rin eh 

sassygirl: uu nga eh. bt aga mu gcng? 

cuteboi: la, snay na eh, kaw? 

sassygirl: e1 bgla nlng aq ngicng eh. 

At yun, kwentuhan to the highest level kaming dalawa. Pero hindi ko naman namention sa kanya yung new house ko at syempre yung fiance ko. Ewan ko, di ko feel sabihin eh. Saka, siya nga lang yung hindi nakakaalam about dun eh, hayaan na natin na maging ganoon nalang yun. At least there's someone out there na hindi ako kinukulit about doon sa "fiance" ko. 

Mga 5:30 din siguro nung nagpaalam na ako at nagbihis at bumaba narin. Gising na sina manang kaya nagpahanda na ako ng makakain. Ilang sandali lang eh ayos na, simpleng hotdog saka itlog lang naman eh kaya hindi na siya tinagal. 

Okay, tatawagin ko ba siya o mauuna na ako? Hmm, pero parang kelangan kasi kahapon naman eh tinawag niya ako. Pero napilitan lang siya nun, kaya lang...hayy...kahit na. Ah basta, sige na nga, tatawagin ko na. Umakyat ako dun sa stairs tapos nun eh naglakad hanggang tapat ng kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumagot. Wag mong sabihin tulog pa itong lalaking ito? Kumatok ako ulit and this time, mas malakas pero wala parin eh. Tinwist ko yung knob, aba bukas at pagkatulak na pagkatulak ko sa pintuan eh biglang bumulagta sa akin ang isang Kit Tasello. He seems normal, except for the fact that he's half naked with only a towel covering his lower body! 

Agad naman akong tumalikod at nagtakip pa ng mata. Grabe, namula ako nun ng sobra, mas mapula nga siguro yung mukha ko nung mga oras na iyon kesa sa isang kamatis eh. Worse, sa isang apple. Oh my gosh! Lord bata pa ako, bakit niyo po ako pinakitaan ng ganitong larawan? 

"Wag kang OA, ayan oh, nakabihis na ako." 

Sabi niya nun tapos nilampasan niya ako at dumiretso papuntang stairs. Hmf! Nakakainis talaga siya. Kung gising naman pala siya sana sinabi niya na hindi siya bihis or something! O kaya naman, sana naglock nalang siya! Argh! Badtrip siya! 

Sumunod naman ako sa kanya nun tapos sabay kaming nag umagahan. Ang tahimik nga naming dalawa eh, para kaming mga hindi nakakasalita. Hmf, sino naman kasi masisisi mo eh kani-kanina lang eh nakita ko siyang half naked. Pagtapos ko kumain eh tumayo ako kaagad. Kinuha ko naman yung gamit ko sa kwarto ko at dali daling bumaba para umalis. Yun nga lang, mukhang nauna na naman siya. How the hell does he do that?! Feeling ko tuloy may sa engkanto tong lalaking to eh!

"Ang bagal mo. Dalian mo nga." 

"Kung gusto mong mauna eh di mauna ka na. Hindi naman ako nagpapahintay sa iyo eh." nakakairita na kasi siya eh. oo nga't maghihintay siya kaso reklamo naman siya ng reklamo. Feeling ko tuloy nagiging pabigat ako. 

Hindi naman siya umimik nun at mas lalong hindi siya nauna. Hay naku, ang weird mo talagang tao Kit Tasello. Ah oo nga pala, 

Kit Tasello Fact #6, mainipin siyang tao. 

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon