Chapter 14
Wait, tama ba itong narinig ko? Sasama daw siya?!
"Oi teka! Bakit ka sasama?"
"Gusto ko eh!" aba, gaya gaya siya ng sagot ah!
"AT kelan ka pa nahilig sa party aber??"
"Bakit? Hindi mo naman ako ganoon kakilala para sabihin na hindi ako mahilig sa party ah?" okay Andy, pahiya ka na naman. Sabi ko nga eh, dapat hindi na ako umimik.
"Hindi na kita mapipigilan no?" tumango naman siya nun at nakatingin sa akin ng diretso. Hay, pero teka...alam ko na!
"Okay, payag akong kasama ka pero..."
Lumapit siya ng konti sa akin, sign na interested siya sa sasabihin ko.
"Kelangan kasama si Myka." Grabe, ang talino mo talaga Andy! Tama, ito ang back up plan ko kasi pumalpak yung pagpunta namin sa mall dati.
"Yun lang pala eh."
Ngumiti naman ako sa kanya tapos umalis na. Gabi narin kasi nun at kelangan ko ng matulog. Yes, tama pambawi ko to para sa nangyari sa mall. Go Andy, kaya mo yan. Ah, dapat pala magplano ako para hindi pumalpak.
Buong gabi naman akong nagplano ng pwedeng gawin para sa operation match making ko. Mga 12 na nga ako nakatulog eh, hindi rin naman ako sobra kung magplano no?
Nung umaga naman eh kinailangan pa akong gisingin ni manang. Buti nga siya nanggising sa akin eh at hindi yung Kit na iyon. Pagbaba ko naman eh wala na si Kit. Teka, ang aga naman yata niya pumasok.
"Manang, bakit po hindi niya ako hinintay?"
"Aba'y ewan ko sa batang iyon. Ang gulo niya. Sabi niya nung una hihintayin ka niya tapos nun eh umalis nalang bigla. Nakailang ikot pa nga siya diyan sa table kakaisip eh, grabe hinilo ako niyang asawa mo."
"Hini ko pa siya asawa manang, wag kayong magsalita ng ganyan." ngumiti lang siya sa akin tapos ako naman eh kumain na at syempre, diretso na sa school namin. May mga 15 minutes pa siguro ako nun kaya dumaan muna ako sa art room.
May bagong painting na naman an bumulagta sa harapan ko. This time yung babae eh nakaupo sa isang desk tapos parang nagsusulat siya ng kung ano. Grabe, ang cute talaga. Hay, buo na naman araw ko.
Sumilip ako sa gilid para tignan kung nagtatago ba si Kit, teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?! Ano ba naman yan. Lumabas nalang ako nung art room tapos dumiretso sa locker para kumuha ng gamit. Pagdating ko sa classroom eh may 5 minutes pa bago magbell kaya kinausap ko muna mga kabarkada ko tungkol sa party.
"Uy, sama naman kayo mamaya sa party ni Mia oh."
"Sorry Andy, hindi ako pwede eh, ngayon kasi start ng practice namin para sa Annual Halloween play eh. Yung taga theater club kasi required na sumali doon. Sorry talaga." okay, one down ayos lang yan may 4 to go pa. Humarap naman ako kina Cheeky at Cheska, for sure sasama yan, gala kasi yang si Cheeky at kung saan man yan pumunta eh parating sasama si Cheska.
"Sorry dear sister pero hindi rin kami pwede. May family gathering kami mamaya eh." Okay, si Stephen at Vince nalang.
"Sorry Dy, di rin ako pwede eh may practice kasi ang Varsity."
"Sorry Pot."
Nakitango lang naman si Vince sa kanya. Hay, pareho nga pala silang varsity. Ibig sabihin, mag-isa lang ako mamaya sa operation ko? Hay, wala akong magagawa. Bakit kasi hindi karin naging busy ngayon Andy?!
"Okay lang guys...basta next time sama na kayo ah?" tumango naman sila at ayun, nagbell narin pagkatapos.
Dumating yung first period teacher namin tapos inannounce niya na dapat daw kami pumunta sa respective groups namin para sa activity sa halloween festival, kelangan daw kasi namin magmeeting para buo na ang plano for next week.
