chapter 17

65 0 0
                                    

***Chapter 17 

Halata mo sa mukha niya na gulat siya dun sa sinabi ko sa kanya. 

"I mean...dikit ka kasi ng dikit. Hindi ko tuloy masolo si...er...si Omar." 

AT mas lalong nagulat siya dun sa sinabi ko. Whoa, galing mo talagang magsinungaling Andy! 

"May gusto ka kay Omar?" 

"Oo, bakit may problema ba?" 

"Wala."

At nagsimula na siya nun maglakad papunta kay Myka, pero nung kalagitnaan eh tumigil siya. 

"Mag-ingat ka." At pagtapos nun eh umalis na siya. 

Teka nga, mag-ingat? Kanino? Kay Omar? Anong ibig niyang sabihin nun? Hay, ang gulo niya talaga! Kit Tasello Fact # 12, he's so mysterious. 

Hindi ko na masyadong pinansin yun at pumunta nalang kay Omar. 

"Anong sinabi mo dun at hinatid niya si Myka?" 

"Wala, sabi ko may gusto ako sa iyo at gusto kong masolo ka." nagkangitian kami tapos nag high five. Pagtapos nun eh bumalik na kami sa group namin at syempre, tumulong na ulit. 

Ganun yung mga ginawa namin araw araw for the rest of the week. By Wednesday eh natapos rin yung group namin kaya pinayagan kami ng teacher namin na maging free days namin ang remaining two days. Yun nga lang, kelangan namin pumasok at syempre, bawal makigulo sa ibang groups. Wow, some free day no? 

Okay lang naman sa akin yung ganun kasi nagkaroon kami ni Omar ng time para magplano para sa Kit-Myka match making. Parati nga kaming magkasama nung mga oras na yun kaya nga ba inaasar na kami ng mga kavarsity namin. Pero syempre, sinasabi namin na friends kami kasi yun naman yung totoo. 

"Hmm, saan ba natin pwedeng simulan ito?" 

"Oo nga eh, for sure pa na next week baka ma-assign tayo na taga bantay sa booth natin." 

"Alam ko na! Kung gusto mo, sa first day eh mag-volunteer na tayo kay Coach Vicedo para for the rest of the week eh free na tayo. Ano sa tingin mo?" 

Tama siya, para at least marami kaming oras para dun plano namin. Ngumiti naman ako sa kanya tapos tumango.

"Hoy ANDY!" 

Lumigon ako dun sa tumawag sa akin tapos napangiti. Aba, mukhang kumpleto barkada ah. 

"Hoy ikaw! Nawala lang kami ng ilang araw eh nakahanap ka na ng ibang kaberks! I'm disappointed in you Andy!" ano na naman kayang drama nitong losyang na to? 

"Sira ka Cheeky. Nga pala, siya si Omar, kasama ko sa Varsity." 

Nakipagkamay naman sila, nakipagkilala, alam niyo yun? Yung normal things na ginagawa niyo kapag nakikipagkilala. 

"Pot, napaaga yata lunch niyo?" 

"Actually, kahapon pa kasi natapos ng group namin yung booth kaya yung ngayon saka bukas eh free day namin." 

"Wow, ang swerte niyo naman." 

"Kayo pala? Musta na yung mga ginagawa niyo?" 

"Well, yung play namin eh siguro matatapos na yung mga props by Friday tapos yung acting...well, by Saturday siguro polished na siya." 

Nakita ko naman na parang nalungkot si Stephen. Hay, if I know plano niya sana na yayain lumabas itong si Marla. 

"Sa inyo Vince?" 

"Ayos naman yung booth namin" 

Teka nga pala, hindi ko pala natanong sa kanila kung anong booth nila no? 

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon