***Chapter 18
Sunday ngayon, October 21. This coming week na pala yung Halloween Festival ng School namin, for sure busy week na iyon kaya ako eh sinusulit ko na yung pahinga ko dito sa bahay.
"Hija, tawagin mo na si Kit at ng makakain na kayong dalawa"
"Hay, manang, kayo nalang po ang tumawag kasi for sure naman eh susungitan lang ako nun."
Napasimangot naman sa akin si Manang.
"Hindi parin ba kayo nagbabati?"
Tumango lang ako sa kanya. Oo, magmula nung matapos namin siyang mahanap ni Myka eh hindi na kami nag-usap ni Kit. Papaano ba naman, ako daw ba ang sisihin dun sa paghahanap namin. Hay nako, bahala siya sa buhay niya. Kung akala niya ako unang magsosorry, well nagkakamali siya dahil wala akong kasalanan.
Umalis naman si Manang dun sa harap ko at umakyat na sa kwarto ni Kit para tawagin siya. Nakaglue kasi yung mata ko ngayon sa tv at heto ako, pinagtiyatiyagaan yung palabas sa Cinema one, hindi ko nga maintindihan yung palabas eh pero wala naman akong ibang magawa.
Ilang sandali lang eh bumaba narin si manang kasama si Mr. SC president. Hindi kami nagpansinan kasi halata mo naman na pareho kaming mapride at ayaw mag sorry sa isa't isa. Nung nakalampas na siya sa akin eh saka naman ako tumayo at pumunta sa may table.
Tahimik kaming kumain non at mapapansin mo ang tension sa pagitan naming dalawa. Nabingi nga ako sobra sa katahimikan na muntikan ko siyang kausapin. Kaya naman tuwang tuwa ako nung biglang nagring yung phone bago ko pa man gawin yun.
"Hello?"
"Ei Pot,"
"Oh Vince, napatawag ka?"
"Wala lang naman."
"Ashu, ang sabihin mo, namiss mo ako no?"
Tumawa lang siya nun tapos umamin rin.
"Wag ka dadaan sa booth namin ah."
Aba, baliktad pa yata yung hinihiling niya. Diba dapat sinasabi niya na dumaan ako sa kanila?
"Bakit naman wag?"
"Ah...ehh....ano kasi...eh..."
"Ano?"
"Ikaw ba gusto mo mahalikan?"
Ew, oo nga pala. Kissing booth nga pala yung kanila. "Oo nga pala, muntik ko na makalimutan."
Natawa naman siya nun tapos ayun, nagsimula na magsabi ng mga kung anu-ano. Tatagal pa nga sana yung usapan namin kung hindi lang nag "EHEM!" ng malakas yung Kit na yun. Oo nga pala, kumakain pa pala ako.
"Ei Vince sige, una na ako, kakain pa ako eh."
"Ow, oh sige Pot. Bon App้tit"
Binaba ko naman na yung phone at bumalik sa table para kumain. Napatingin ako saglit sa plato ni Kit, teka...hinintay niya ako? Whoa.
Tahimik lang kami kumain ulit nun hanggang sa matapos na kami. Mas nauna pa nga ako kasi ang hinihin kumain ni Kit, daig pa ang babae.
Tumawag naman si mama maya maya lang. Sabi niya eh pupunta daw sila rito pati raw sina Tita Kris para daw sabay sabay kaming magsimba. Naligo narin naman na ako nun tapos nagbihis na ng pang simba ko. Simple jeans at shirt lang saka sneakers yung suot ko. Paglabas ko eh nakita ko rin si Kit na lumabas. Nasabihan rin pala siya nina Tita Kris.
Nagkatinginan kami ng sandali tapos bumaba na ako. Wala akong planong makipagbati ng una kung yun yung iniisip niya.
Ilang sandali lang dumating narin sina Mama at yung parents ni Kit. Nag kiss kami siyempre tapos ayun, umalis na kami ng bahay at diresto simbahan na.
