chapter 20

62 1 0
                                    

***Chapter 20 

Nanlaki yung mata ko the moment na nagbukas yung ilaw. Holy...paano nila nagawang I-design ng ganito yung Gym?! Grabe talaga. Kung hindi ka taga MPU at hindi mo alam na gym ito eh aakalain mong nasa parang forest ka.

Grabe, ang galing ng pagkakadesign. Yung mga puno eh napakarealistic. Naglakad naman na ako nun tapos nakanganga talaga ako nun. So this is Wonderland eH? 

"Oh my gosh! Late na ako! naku naman! I'm pretty sure she'll kill me!" Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita at bigla akong napanganga. 

Teka, diba dapat rabbit ito??!? Hindi pa naman ganoon kalabo yung mata ko to see na hindi rabbit ang costume ng nasa harap ko kung di modern jeans tapos shirt. Ang pagkarabbit lang nun babae eh yung bunny ears sa may ulo niya. The heck, iniba nila yung story??? 

"Excuse me miss...diba---" 

"Sorry Can't talk! I'm soooo late!!" 

At tumakbo na siya after nun. Teka, diba dapat hahabulin ko siya? Oh well, kahit hindi siya mukhang Alice in Wonderland...the story must go---OHHHHH!! 

What the heck?! Kelan pa nagkaroon ng slide sa gym namin!? Kelan pa nagkaroon ng TRAP DOOR sa gym!? Grabe naman, ang galing naman talaga ng gumawa nito. Elibs ako sa kanila sobra. 

*OOOMPH!* 

Hala, madilim na naman. Aray ko, ang sakit naman ng pwet ko! Biruin mo eh napakalakas rin ng bagsak ko kahit na slide man yun no! Paano, tuluy tuloy kasi. Wala man lang stopper. Hay nako. 

Tumayo na ako nun tapos pinagpag yung damit ko. Pag nasira ito eh hindi ko na kasalanan kasi sila naman yung may gawa eh dahil sa slide na iyon. 

Nagbukas ulit yung ilaw tapos----What the heck?! I'm in... 

"Hermione Wait up!" 

Hogwarts?! Teka nga...ang weird naman ng Alice in Wonderland nila.

"Excuse me...akala ko Alice in---" 

"Well, well...If it isn't Potter Weaselbee and the mudblood. Oh, you've brought reinforcements too eh? A weird one too!" 

Weird? Did he just say I'm weird?! "HOY! I'm not weird , you stupid little ferret!" okay fine, nagbabasa rin naman ako ng Harry Potter kaya alam ko kung ano yung pang-asar nina Hermione sa kanya. Ooops, napaghahalataan na adik. 

Tumawa naman yung mga tao. Grabe, sobrang realistic talaga nitong ginawa nila. Biruin mo, mismong accent nung characters nakuha nila. 

"Oh gosh I'm late!!" 

"Teka Mr. Rabbit!" napatigil naman yung babae. Oops, did I just say Mr.? 

"Excuse me?! Do I look like a Mr. To you?!" 

"Waah...sorry pero---" 

"Whatever. I'm suuuper late na!!" 

At tapos nun eh tumakbo na ulit siya. Ako? Syempre ano pa bang magagawa ko kung di humabol sa kanya. Grabeng Miss Rabbit to, runner ata eh! 

"Wait Miss Rab----OOOMPF!" 

Hindi ko na natuloy yung pagtawag ko kasi bigla namang may humatak sa akin na kamay. Now, where the heck did that come from?! At syempre, heto na naman ako sa isang madilim na unknown place, ni hindi ko nga alam kung anong bagong sorpresa ang makikita ko eh. 

Nag-open bigla yung lights kaya nasilaw ako. "Wendy! There you are! I've been looking all over for you!!" 

"Eh? P-P-Peter Pan?!" 

"Come on Wendy! The lost boys are waiting! We don't want them to get cranky now do we?" 

Teka...lumilipad siya?! Whoa! Astig! Hinila niya yung kamay ko tapos nakaladkad naman ako. Teka, hindi ako nakakalipad!

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon