***Chapter 26
The next day maaga ako nagising. Paano? Well...
"Hoy gising na!" may nalalaman pa siyang hindi raw ako gigisingin eh ano kayang ginagawa niya?
"Heto na babangon na!" at syempre, ano pa bang magagawa ko. Nagulantang na yung mundo ko kaya ayun, naligo narin ako at bumaba na kami. Hindi man lang ako pinakain eh, ang sama niya no?
Pagdating naman namin sa mall eh dun kami muna sa mga damit tumingin. Actually, hinila ko lang si Kit eh. Hey, may atraso siya sa akin kaya may karapatan akong gawin yun diba?
"Hindi mo ko kelangan hilahin ok?" at saka ko naman siya binitawan. Tumingin tingin muna ako dun sa mga damit dun. Ang dami ngang bago eh tapos mala-vintage yung design niya kaya ako naman, napabili ng 3 shirts.
Pagtapos namin dun eh hinila ko si Kit sa may mga swim wear. Hmm, ano kayang pipiliin ko? One piece o two piece? Ah alam ko na.
"Hoy Kit! Tulungan mo ko, anong mas okay, itong once piece na ito o itong two piece?"
Pagtingin ko naman sa kanya eh natawa ako. Namumula siya! As in, yan na ata ang tinatawag na ultimate blush eh. Biruin niyo, nagagawa pala yun ng isang Kit Tasello?
"Bakit ba ako tinatanong mo diyan?!?" hahah, grabe, hiyang hiya talaga siya nung mga oras na iyon.
"Dali na! Pipili ka lang naman eh."
"Wag mo nga akong idamay diyan sa kalokohan mo!!" Asus! Ang sungit.
"Fine! Ako nalang pipili." Hay, sana pala si Marla or si Cheeky nalang yung sinama ko. Hmf, walang kwentang shopping partner naman itong Kit na ito eh.
"Yung one piece!"
Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Ito talagang lokong to, ang hilig magpakipot! Tutulungan rin pala ako, magpapahabol pa! Napansin ko rin naman na mas lalo yatang pumula yung mukha niya. Wow, possible pa pala yun.
"Tara na nga Tomato face." hinila ko na siya papuntang counter tapos binayaran ko na yung binili ko.
*KUROKUROKURO*
Ugh, walang hiyang tiyan naman ito oh!
"Hoy stripes, hindi mo ba macontrol yang tiyan mo? Baka naman may alaga kang sawa diyan kaya tunog ng tunog parati!" this time, turn ko naman para mag blush. Walang hiyang lalaking to. Siya naman may kasalanan kung bakit nagising yung sawa---este kung bakit tumutunog tiyan ko eh!
"Excuse me tomato face, kaya lang naman tumutunong ito kasi hindi mo ako pinakain ng umagahan! Kaya ngayon, halika ilibre mo ko!"
"Hm, sino kayang mas mukhang tomato face sa atin ngayon stripes?" at pagtapos nun eh naglakad na siya.
Dun kami sa Shakeys pumunta. Umorder naman kami ng pizza tapos syempre, hindi mawawala ang mojo's and dip. Wow, mukhang matutuwa ang alaga---este tiyan ko ngayon ah!
"Hoy stripes, hinay hinay lang...alam mo kung anong pwedeng mangyari sa iyo kapag over eating ka na naman."
"Alam ko tomato face!"
At yun, kumain na kami ng tahimik. Syempre, kapag kakain, galit galit muna. Grabe! Tama talaga yung choice ko na dito kumain! Sarap talaga!
"Ang cute naman tignan nung couple na iyon oh! Tignan mo, bagay na bagay sila."
Teka, mukhang kami yata ni Kit ang pinag-uusapan nila. Whoa wait! Couple ba kamo?!
"Oo sinabi mo pa. Pareho silang may hitsura kaya bagay na bagay sila no?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9971460-288-k909432.jpg)