Chapter 11
Sa dinami dami ba naman ng taong pwedeng ipagkasundo sa akin ni mama eh hindi ko malaman kung bakit ang nag-iisang napakasungit at napakamoody pa na si Kit Tasello ang napili niya.
"Wag ka na ngang mamula, sabi ko naman sa iyo diba na pwede naman na magkacrush ka sa fiance mo. Walang kaso yun."
Hay! Ewan ko rin ba! Minsan gusto kong tanungin yun sa nanay ko pero feeling ko eh batok lang ang aabutin ko. Grabe talaga ang nangyari, sobrang nakakahiya! Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako nilamon ng lupa eh! Ayaw makisama! Nakakaasar!
"Excuse me lang ha. Wala akong crush sa iyo at NEVER akong magkakacrush sa iyo okay?!"
Tinawanan lang niya ako nun. Grabe, nawala yung antok na naramdaman ko kanina. Badtrip nga eh. ayan tuloy, andito kami ngayon sa may dining area at umiinom ng mainit na tsokolate. Isa pa yan sa hilig kong gawin kapag naiinis, nahihiya, nagagalit o kaya naman eh namomroblema ako, umiinom ako ng hot chocolate.
"O sige, sabi mo eh..." ARGH! Nakakabanas talaga siya!
"Bakit ka ba nasa kwarto ko?"
"Kasi NAMAN, chineck ko lang kung OKAY ka na kasi nasa KONSENSYA ko yung mga nangyari. OKAY?"
At ayun, nag-usap lang kami nung mga oras na iyon. Ewan ko ba, kakaiba rin talaga itong si Kit eh. Akalain mo bang ipinresenta niya sa akin na makita ko yung , take note, NAKAKADIRING sugat niya? Tuwang tuwa pa siya kasi may stitches dun at sobrang saya pa niyang kinuwento na gising daw siya nung tinatahi. Ewan ko, mahilig lang siguro talaga siya mambusit ng tao. Nagkataon na nga lang siguro na ako yung favorite niyang bwisitin kaya ayan. Mga 12 narin siguro nun nung nagdesisyon kaming matulog. Kaya nga nung nagising ako ng 5 eh sobrang antok na antok pa ako. Hay, masasabunutan ko talaga yang Kit na yan eh.
*****
"Dali na please? Pahiram na ng notes..."
"A-YAW-KO."
"Sige na naman Cheeky! Please?! Best friends tayo diba?"
"OO nga pero hindi ko na problema yung wala kang notes kasi tinulugan mo yung klase natin noon!"
Ay naku naman! Hay, bakit ba kasi kelangan ko matulog nung mga oras na iyon eh? Hay ewan, wala na akong magagawa, nangyari na eh, hindi ko na mababalik yung oras na yun.
Hindi narin naman na ako nakipagtalo pa kay Cheeky, for sure kasi palo at batok lang aabutin ko diyan kapag kinulit ko pa. Kaya naman dun ako pumunta dun sa taong hindi ako matatanggihan.
"VINCE!"
"Bakit?"
"Kasi---"
"WAG! Sinasabi ko sayo Vince wag na wag mo yang pahihiramin ng notes kung di malalagot ka sa akin. Sige ka, ikaw rin."
Argh! Ang sama talaga ni Cheeky sa akin! Huhuh! Paano na ako nito ngayon?
"Cheeky please! Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin?"
"Hindi naman sa malaki ang galit ko Andy, pero kelangan mo maging responsible para sa mga ginagawa mo. Hindi pwede yung parati kaming tagatakip o tagasalo kapag may mali kang ginawa."
O sige na nga, nangonsensya pa siya. Hay, saan naman kaya ako kukuha ng notes nito? Malamang kapag kay ma'am ako nanghingi eh sermon lang ang aabutin ko. Hay buhay nga naman!
*****
Hirap na hirap akong mag-aral pagdating nung gabi lalo na dun sa subject na kulang yung notes ko. Yun nalang kasi talaga ang hindi ko naaaral kaya bwisit na bwisit na talaga ako.
"Oh." tapos may initsa siyang notebook sa harap ko. Wait, tama ba itong nakikita ko?
"Kit--?"
"Nakakainis kasi yung ingay mo kaya ayan, para matahimik ka na." at pagkatapos nun eh umalis na siya. Oh really...
Tuwang tuwa naman ako syempre kumpleto na finally yung inaaral ko. Inabot nga ako ng mga 11 nung matapos ako. Oh well, ayos narin yun at least tapos na akong magreview.
The next day naman ganoon parin, continuous parin yung pagrereview sa amin ng mga teacher at mga last minute reminders. Monday-Wednesday kasi ang exams namin kaya magiging busy na naman ang weekend ng mga tao ngayon.
At dahil last day of relaxation namin tong Friday na ito, pinlano ng barkada na lumabas kami ngayong gabi. Excited nga ako eh kaya nga ba ang hyper ko nung nasa klase palang kami. Napagalitan pa nga ako ng teacher namin at muntik ng mapadala sa sub-unit head pero buti nalang talaga at hindi natuloy, patay ako kay mama kung matuloy man yun.
By the end of the day sobrang nagkukulitan na kaming magbabarkada. Halatang hindi kami excited no? Nagplano kami na magkikita nalang kami sa bahay namin (ni Kit) at pagkatapos nun eh diretso mall na kami. Magpapalit pa kasi kami ng damit kasi syempre bawal ipang-mall ang school uniform.
Umnuwi muna ako siyempre sa bahay tapos nagpalit na. Andoon na nga si Kit eh at naglalaro pa ng playstation sa may sala. Hmf, may pagka-isip bata rin pala itong lalaking ito.
Pagkababa ko eh andoon parin siya at tutok na tutok yung mata niya sa tv. Umupo lang muna ako dun sa sofa at dun nalang naghintay. Pinanood ko narin kung anu man yung nilalaro ni Kit, Final fantasy pala. Infairness maganda yun ah, natry ko na kasi dati eh nung inagaw ko yung nilalaro ni Herc, masaya naman siya.
"Bakit bihis ka?" kung makatanong siya akala mo tatay ah. Napansin rin pala niya kahit na nakaglue yung mata niya sa tv.
"Lalabas kaming magbabarkada, bakit?"
"Wala."
Hindi man lang niya tatanong kung saan kami pupunta? Malay niya mag-iinuman pala kami or what. Hay naku Andy, nag-expect ka pa eh duh! Wala naman paki yan eh diba? Asus, ikaw talaga.
Ilang sandali lang eh dumating narin ang barkada. Ang high nga ni Cheeky eh nakakahilo kasi talon pa siya ng talon pero ayos lang. Napansin ko naman na tumigil yata sa paglalaro si Kit nung dumating na sila. Syempre dahil ayoko naman na istorbohin siya sa paglalaro niya eh nagyaya na akong umalis.
"Tara na guys..."
"Hiramin lang muna namin si Andy for this night ah Mr. SC President?"
"Ay naku Cheeky, bakit ka pa nagpapaalam eh wala rin naman paki yan? Tara na nga."
At yun, nagsilabasan na kami.
"Oi Chester."
Aba, first time ko lang yatang may tumawag kay Cheeky na Chester ah. Well, maliban nalang sa parents niya pero...whoa...ano kaya kelangan nito?
"Yes Mr. SC president? Anong problema mo?"
"Pag hindi mo binalik yan by 10 pm, magtago ka na."
Wait, tama ba itong naririnig ko??
Si KIT binibigyan ako ng curfew?!