***Chapter 25
Nung mga natirang araw eh nagli-lo muna ako at hindi muna ako masyadong gumawa ng mga paraan para magkalapit lalo si Myka. Ewan ko rin sa sarili ko. Perfect opportunity yun pero hindi ko kinuha. Ano na bang problema sa akin?
Bumalik narin naman na ako sa bahay namin (ni Kit). Totoo nga yung sabi ni Kit nag-alala sa akin si manang. Paano eh nung pagkauwi ko eh biglang nagtatatalak ng kung anu-ano tapos ayaw pa akong bitawan. Grabe, isipin niyo ah, overnight lang ako nawala ganyan na kaagad siya. Paano pa kaya kung more than 1 week no?
"Andy..."
"Oh Myka, ikaw pala. Musta pala?"
"Ayos naman. Ikaw?"
"Heto, ayos rin naman."
"Umm Andy, pwede akong humingi ng favor?"
"Sure, ano yun?" parang nagdalawang isip pa yata si Myka nung mga oras na iyon.
"Pwedeng kausapin mo na si Kit?"
Eh? Bakit ko naman gagawin yun? "HA? Ah eh, bakit naman?"
"Kahit naman hindi niya ipahalata eh, alam kong nalulungkot siya."
"Ehh..."
"Kung inaalala mo yung ginawa niya sa akin, wala na yun. Nagsorry na siya sa akin. Nagulat nga ako kasi normally hindi niya yun ginagawa."
Oh ayan naman pala Andy eh, anong problema? Di ba kaya mo naman siya hindi pinapansin eh para lang mag-sorry siya kay Myka. Since nagsorry na siya, bakit hindi ka pa magkipagbati? Anong problema?
"Umm...o sige. Pero----"
"Talaga?! Sorang thank you Andy!"
"Pero Myka----"
"Sige ha! Puntahan ko lang sina Kit at Omar. Hinihintay nila ako eh. Promise mo yun ha Andy!"
At pagtapos nun eh umalis na siya. "Pero...paano?"
*****
"Okay...para sa Student Body's Choice ang nanalo ay..."
Yep, last day na ngayon at awarding narin para sa mga nangyari na activities. Ang galing nga eh, yung pinakamalaking kinita na group eh yung Play. Paano, sobrang mahal talaga nung entrance fee tapos maganda rin yung play na pinresent nila.
"Walang iba kung di ang...Alice in Wonderland Maze!"
Hindi narin nakakagulat yun. Kasi kahit ako naman eh, yun rin yung binoto ko. Tuwang tuwa yung nag-organize nung maze. Syempre diba, mapili ba naman kayong favorite ng halos lahat ng studyante ng MPU hindi ka pa ba matuwa nun?
"Andy, tignan mo naman kung sino yung kasama nung nag-organize."
Tumingin naman ako dun sa tinuro ni Cheeky. Si Kit. "So?"
"Aba! Anong so ka diyan? Loka! Akala ko ba makikipagbati ka na?!"
"Oo nga."
"Hay naku Andy, hindi kita maintindihan. Bahala ka nga."
Sa totoo lang kasi niyan, hindi ako makatiyempo ng oras. Kung meron man, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag-eend up ako na parang tumatakbo o kaya naman umiiwas. Hay, ano kayang mangyayari sa akin nito?
Natapos naman na yung awarding. Swerte nga ng group namin kasi kami yung 2nd dun sa Studen't body's choice. Hindi nila masyadong pinili yung Haunted House kasi mukhang nasobrahan yata sila sa pananakot kaya imbis na maenjoy nila eh natakot sila.