chapter 1

194 5 0
                                    

Pagkadating ko dun kina Stephen eh umalis na kaagad kami at nagpuntang mall. Ewan ko na talaga kung bakit pero sobrang may naiba bigla yung feeling ko. Kaya nga buong time na magkakasama kami eh sobrang tahimik ko. Napansin na nga rin nila pero syempre, deny lang. Una naming ginawa eh nagtime zone kami. Grabe nga eh, ang kulit. Nagkaroon pa ng "competition" na paramihan daw magshoot. Nanalo nga si Vince eh. Isipin niyo? May talent pala dun yung best friend ko hindi ko man lang alam? Niyahaha. Joke lang. Varsity yata yan. 

Pagtapos namin magtime zone, kumain narin kami kasi gutom na talaga kami nun. Inabot nga kami ng hapon kasi todo kwentuhan pa kaya ayun, pagtapos namin kumain eh napauwi na kami, bawal kasing magpagabi. 

Pagkadating ko naman sa bahay, naabutan ko si Ate Cass at si Herc na naghahabulan at si ate naman eh sumisigaw ng... 

"WALANG HIYA KANG KUTONG LUPA KA! BUMALIK KA DITO! HOY HINDI PA TAYO TAPOS! AKALA MO PAPALAMPASIN KO YUNG PAKIKINIG MO SA TELEPONO! BALIK!" 

Wow, ang happy family namin no? Hindi ko na tinulungan si Herc, he deserves it. Kasi naman eh, bakit ba kelangan mageavesdrop diba? It's really rude. 

Kahit man magkakaaway kami niyan, minsan may kinakampihan din kami no. Syempre, kinakampihan namin madalas yung deserving. Yun nga lang, bihira ko lang talaga kampihan si Ate Cass, pwera nalang kung may kapalit. Mwahahaha. 

Umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan kaagad yung computer. Nagcheck ako ng friendster at symepre nagym na. Nagulat nga ako ng biglang may nag-im sa akin. Teka, paano nito nakuha ym id ko?

<BUZZ> 

cuteboi: hey 

Aba, may pa "hey" pa siyang nalalaman. Hmm, sino kaya ito? 

sassygirl: hu u? 

cuteboi: sum1 

sassygirl: duh. 

cuteboi: haha. 

Hai nako, ang weird niya ah. Pag ako nairita aalis na ako. 

sassygirl: seryoso, hu u? 

cuteboi: am cuteboi...you?. 

Fine, he wants to play a game? Sure. 

sassygirl: sassygirl 

cuteboi: nyc 2 mit u sassygirl. 

sassygirl: same hir. Pnu m nkuha ym id q? 

cuteboi: I guessed.. 

sassygirl: lucky guess. 

cuteboi: haha.. 

And for some odd reason? Hindi ako nabore na kausap siya. Actually? Inabot pa nga ako ng 2 a.m. na gumagamit ng pc eh. Nasermonan tuloy ako ni papa, pumasok kasi ng kwarto ko kaya ayun. 

Nung weekend hindi ako nag-online. Syempre, baka sabihin ni "cuteboi" eh interested akong makausap siya. So sabihin na nga nating tama pero he doesn't need to know that right?

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon