***Chapter 15
Hindi ko na masyadong pinag-isipan yung mga sinabi ni Omar. I'm on a mission kaya kelangan concentrated ako. Buong gabi eh parang akong ewan dun na kung saan sina Kit eh dun ako sa malapit sa kanila. May mga times pa nga na muntik akong mahuli eh pero buti nalang nakakalusot ako.
Si Omar naman, sa hindi ko malamang dahilan eh bigla nalang naglaho na parang bula. Hindi ko siya hinanap kasi baka makawala sa paningin ko yung dalawa. Tinext ko naman siya tapos ang nireply lang eh may nakain daw siyang di maganda at umuwi. Okay, ew, gets ko na kung anong ginagawa niya.
"Andy! Nakarating ka!" ugh, bwisit naman na Max to oh. Fine, sige siguro time rin para magbreak muna ako.
"Hey Max. Sabi ko sayo diba pupunta ako? Hehe"
"Buti talaga...punta tayo dun oh, sa may pool."
Pumayag naman ako kasi halos hindi na kami magkarinigan yun sa pwesto namin. Paano, malakas na nga yung music ang lakas pa ng daldalan ng mga tao. Now, tell me, paano kami magkakaintindihan nun diba?
Paglabas naman namin sa pool binati kaagad kami ng hangin at ng katahimikan. Pumunta ako dun sa gilid tapos nagtanggal ng sneakers at dinip yung paa ko sa pool.
"Finally, away from the noisy crowd."
Natawa naman ako sa kanya. Umupo siya dun sa tabi ko tapos ginaya yung ginagawa ko. Parehas kaming tumingin sa sky. Wow, ang ganda ng stars ngayon ah.
"Andy I have to tell you something..."
"Ano yun?" humarap ako sa kanya tapos nun eh nagulat ako kasi hinawakan niya yung shoulder ko. Teka, parang...amoy alak siya!
"Max uminom ka ba??"
"That's not important Andy, ang importante eh yung sasabihin ko." tapos nun eh lumapit pa siya lalo sa akin. Ew, grabe naaamoy ko yung alak mula sa bibig niya. Kadiri ng amoy.
"Bitiwan mo nga ako Max. Nasasaktan ako!" pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya kaso sobrang lakas niya. "Max ano ba!"
"I really like you Andy. Gusto kong maging tayo."
"Sorry Max, pero I don't feel the same thing, kaya pwede ba, bitiwan mo na ako!" nag-iba yung expression niya sa mukha. Yung kaninang gentle eh parang naging galit na hindi mo maintindihan. I suddenly felt scared.
"Ano ba Andy?! Bakit ba ang arte mo!? Magpapakita ka ng affection sa akin tapos nun eh ituturn down mo ako?! Oh please, wala ng hard to get ngayon Andy! "
"Kahit kelan Max hindi ako nagshow ng affection sa iyo! Bitaw nga!!"
Sumigaw ako nun tapos tinawanan lang niya ako. Walang nakakarinig sa amin nung mga oras na iyon kasi ang lakas ng music sa loob. Oh gawd, anong mangyayari sa aking ngayon niyan?
Naramdaman ko yung luha na tumulo sa mukha ko at tumawa naman si Max. "Hindi ka naman masasaktan Andy kung bibigay ka lang eh." at pagtapos nun eh kiniss niya ako sa may neck. Grabe, diring diri ako sa kanya nung mga oras na yun.
"MAX PLEASE!!"
Nakapikit na ako nun at sobrang tumutulo yung luha ko. Sobrang winish ko ng mga oras na yun na sana nasa bahay nalang ako, dun sa kwarto ko. Kahit mag-isa man ako basta safe ako.
Then I realized, hindi na ako hinahawakan ni Max at parang tumahimik yata. Dumilat ako tapos nun nakita ko si Myka sa tabi ko.
"Andy okay ka lang ba?"
Tumingin ako kay Myka tapos nagnod, niyakap ko siya ng mahigpit kasi sobrang natakot talaga ako nun. "I wanna go home." sabi ko habang umiiyak parin. Nakita ko naman si Max na knock-out sa pool at yung mga ibang lalaki eh binuhat siya papuntang side. "Anong nangyari Myka?"
