chapter 28

201 1 1
                                    

***Chapter 28 

Nanlaki yung mata ko. Sa dami namin dito sa room na ito eh bakit sa akin pa tumapat yang walang hiyang bote ng coke na yan?!

"Come on Andy, we're waiting." sige...ipressure niyo pa ako. Hay naku naman. Ano ba pipiliin ko? Kung truth eh baka kung anu pang itanong nila. Eh kung dare naman...naku! Kung alam niyo lang kung gaano ka wide ang imagination ni Cheeky. So...sige na nga. 

"Dare." nakita ko namang ngumiti ng sobrang wide si Cheeky. Uh-oh. 

"I dare you to...hmmm, any ideas guys?" aba, himala yata at walang maisip tong lukaret na ito. 

"Ako meron! I dare you to hug Kit!" nanlaki naman yung mata ko kay Marla. Grabe ang imaginations mo ah! 

"Hug lang? Bakit hindi na kiss?" 

"Hep! Bawal bawian." nakakaasar naman. Sa lahat pa ng pwedeng yakapin bakit si Kit pa? Tumingin naman ako sa side nila. Nakuha ni Myka yung attention ko kasi parang ang lungkot niya. Hay nako, babatukan ko itong mga ito eh. 

Tumayo naman ako nun tapos lumapit kay Kit. As usual, walang emosyon yung mukha niya. Para siyang tuod sa totoo lang. Lumapit naman ako ng dahan dahan sa kanya at mukhang nainip pa yata sila kasi... 

*THUG!* 

"Whoa...sabi namin hug...pero okay narin yung kiss." 

Napausog naman ako kaagad. "Hindi kiss yun! Cheek to cheek lang yun!" 

Hindi naman sila naniwala sa akin. Argh nakakainis! Bwisit na Omar yan, kelangan ba talagang manulak?! Tumingin naman ako kay Kit...Whoa.. namumula siya?! 

"Whatever sis!" 

Nagtawanan naman sila nun, well maliban sa akin, kay Myka, Kit at...Vince? Bakit parang ang seryoso yata ng mukha niya ngayon?

"Tama na yan. Tapos na diba?" tapos nun eh pinaikot na niya yung bote. Teka, wag niyong sabihin may S itong kaibigan ko? (S=Sumpong) 

Tuluy tuloy naman na yung laro namin. Halos marami nga nagdare eh, feeling ko kasi ayaw nila ng aminan. Ganoon naman kasi parati kapag truth ang pinili mo, siguradong paaaminin ka ng mga magtatanong. 

Ang pinaka hindi ko makakalimutan na dare eh yung ginawa ni Cheeky. Paano, pinakanta at pinasayaw namin siya nung kanta ng Pussycat Dolls na Don't Cha. Grabe, tawa ako ng tawa nun paano, feel na feel talaga niya na parang nagcoconcert siya. Hay, kung nakita niyo lang sana. 

Naulit naman akong tawagin pero light nalang yung dare sa akin. Ang weird nga eh, pinaubos pa naman yung isang 1.5 litres ng coke sa akin! Grabe, feeling ko nun bondat na bondat ako as in. 

Sa tagal naman naming naglalaro eh parang sinuswerte yata si Kit kasi kahit isang beses eh hindi tumapat sa kanya yung bote. Ang galing nga eh, pati ba naman bote eh nakikisama sa kanya, bakit kaya sa akin hindi? Hmf! 

"Okay last na ito kasi 1 am na." oh? Hindi ko naman napansin. Kaya pala medyo inaantok ako. "Since last na ito, magiging special ang dare or truth nung mapipili. Okay, game na?" tumango naman kaming lahat tapos pinaikot na yung bote. 

Ang tagal nga tumigil eh as in siguro umabot ng 1 minute. Nung tumigil naman siya napangiti kaming lahat. Sa wakas tumapat ka rin kay Kit! 

"So, truth or dare Mr. SC President?" 

"Dare." aba, matapang.

Nag-usap usap naman sina Cheeky nun. Teka, bakit hindi ako kasali? :'( . Pagtapos nilang magpulong pulong eh humarap na sila tapos nakangiti pa, yung tipong hindi mo mapapagkatiwalaan dahil alam mong may pinaplano. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon