chapter 23

71 0 0
                                        

***Chapter 23 

EH?! 

"A-a-a-anong? SINILIPAN MO AKO NO?!?" walang hiyang Kit ito! Paano niya pa malalaman na stripes ulit suot ko kung hindi niya ako sinilipan?! Bwisit SIYA!! 

"Hindi kita sinilipan. Ikaw ang nagpakita sa akin." 

What the heck is he talking about?! Tinignan ko siya ng masama tapos nun eh tumawa naman siya. Tama ba yun?! "Excuse me lang ah! Pero hinding hindi ko yung gagawin no!" 

"Yeah...sure." 

"Nakakainis ka na alam mo yun?!" 

"Bakit? Hindi ko naman kasalanan na makita ko yung pattern ng underwear mo nung nahulog ka sa may couch eh." 

Bigla naman akong natauhan. UGH!! Nakadress pala ako nung mga oras na yun! DARN IT! Tumayo na ako kasi napahiya ako. Grabe, hindi ko alam kung gaano kapula na yung mukha ko. NAKAKAHIYA TALAGA!

The next day eh hindi ako ganoon kaaga pumasok. Mga 9 na ako nakapasok kasi late narin ako nakatulog kagabi. Papaano, sobra akong kinulit ni mr. Cuteboi at mukhang walang balak pa yatang patulugin ako. Bwisit na yun. 

Pagdating ko naman sa school eh kahit na puyat ako eh ang taas ng energy ko. Ngayon ko kasi gagawin yung plan ko para sa Kit-Myka Match Making. Mwahahaha, you're so darn smart Andy! 

"Myka!!" Tamang tama, kasama niya si Kit! This is going to be great! Walang sablay na ito. 

"Oh Andy! Late yata dating mo ngayon?" 

"Napuyat kasi ako eh." 

"Ah, ganun ba? So saan mo gusto pumunta ngayon?" 

"Hmm...try naman natin sa Haunted House." 

"Ah...ha? Sa Haunted house?" 

Hmm, mukhang takot yata siya ah. Ayos! "Ayos lang yun! Gusto mo isama mo pa si Kit eh? diba ayos lang sa iyo yun KIT?" 

Tumingin sa akin si Kit tapos tinuro yung sarili niya. Hay, sino pa bang Kit?! Naku naman, ang sarap niya talagang batukan! 

"Ayos lang." 

Yes! My plan is working! Ngumiti naman ako sa kanila tapos hinatak ko na sila papuntang Haunted House. Pagdating namin dun eh marami ring taong nakapila. 

"Sorry Po pero kelangan by pair or solo yung mga papasok. Bawal pong tatluhan." 

Wah! I love this rule! "Paano na iyan?" 

"Kayo nalng magkasama tapos ako nalang yung solo." No Kit! You're not going to ruin my plan! 

"Hindi! Kayo nalang ang magsama. Actually hinihintay ko kasi si ano eh...si Vince. Nagpapahintay kasi siya so kayo na mauna. Susunod nalang ako okay?"

Tumango naman sila pero si Kit parang nagduda pa. Pero syempre, ano pa bang magagawa niya kung di samahan si Myka sa loob. Wow Andy, ang talino mo talaga. 

Nung medyo matagal na oras na yung lumipas eh bumili narin ako ng ticket ko at saka pumasok narin sa loob. Ang dilim dun sa place pero hindi naman siya nakakatakot. May ilaw rin naman kasi sa wall kahit papaano eh. Syempre, kung walang ilaw dun eh di malamang nagkadapaan na yung mga customers diba? 

"Hmmm...asan na kaya yung dalawang yun? Ahihi! Siguro magkayakap na sila by now." 

**Andy's Mind Theater** 

May lalabas na biglang nakakatakot na parang tikbalang tapos mapapasigaw si Myka. 

"AhhH!" syempre, kasama narin yung pagkapit ni Myka sa arm ni Kit tapos si Kit eh yayakap kay Myka. 

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon