chapter 8

102 1 0
                                    

***Chapter 8 

Argh! Walang hiyang tiyan naman yan oh! Bakit kelangan ngayon ka pa tumunog!? 

Namula ako nun tapos hindi ko parin tinataas yung ulo ko kasi sobrang hiya ako at hindi rin naman nakatulong yung bigla niyang pagtawa ng sobrang lakas. Argh! Nakakabanas! 

"Oh." 

May bigla siyang initsa na nasa tupperware. Aba, pagkain! Wow naman sosyal, galing pa talagang tokyo tokyo! 

Binuksan ko kaagad yun at symepre lumamon na ako. Nakakahiya kung tumunog pa ulit yang bwisit na tiyan ko no! Napansin ko rin naman na nakalean lang siya dun buong time na kumakain ako. ang weird niya talaga, bakit hindi kaya siya umupo? 

"Umupo ka kaya." 

Umiling naman siya nun tapos eh nagcontinue parin na maglean dun sa wall. Hay, ano ba yan may pigsa sa pwet? 

Tumuloy naman na ako sa pagkain nun, infareness ang sarap talaga! Napansin ko naman na lumakad siya papunta sa chair sa dun sa computer table ko. Sabi na eh, hindi rin makakatiis yan eh. 

"Kamusta araw mo?" 

Okay, kaya ko lang naman tinanong yan kasi 1, ang tahimik niya masyado at 2, nabibingi na talaga ako sa katahimikan. 

"Boring." 

Yikes, so kahit pala Sc President ka eh nabobore ka pa sa mga araw sa school. Akala ko kasi..oh well, maraming namamatay sa maling akala. 

"Aw. Marami kayong ni-lesson?" 

"Ewan." 

Wow naman, nakakamangha yung sagot niya!

"Anong ewan? Ito naman oh, tinatanong ng maayos, sumagot ka rin naman ng maayos." 

"Hindi ko alam kung marami kaming ni-lesson kasi hindi naman ako pumasok eh." 

Napatingin naman ako sa kanya nun at siya eh naghanda ng umalis. Wait, don't tell me na hindi siya pumasok dahil lang sa... 

"Wait!" 

Tumigil naman siya pero hindi niya ako hinarap. 

"S-salamat ulit." okay, sige batukan niyo na ako. Fine! Hindi ko kasi alam kung paano ako rereact dun eh. Malay niyo pa eh sabihin niyan na wag akong magfeeling. 

"Wag kang magpasalamat. Utang ko yun sa iyo eh." at pagtapos nun eh umalis na siya. Ano daw?! Utang? Teka nga, naguguluhan ako ah! 

Hay, no use narin Andy kasi nakaalis na siya. Hay, Andy, ang bagal mo kasi eh. Oo nga pala, may dagdag na naman pala sa listahan ko. Kit Tasello Fact #7, he's really full of surprises. 

Nung sumunod na araw eh pumasok na kami ni Kit. Ang dami ngang nagtanong kung anong nangyari sa akin eh. Kumalat kasi yung balita nung sa nangyari nung isang araw. Actually, sa teachers nakuha ng mga studyante yung balita about dun. Paano, yung nanay ko eh sumugod pala kahapon kaya ayan, yung mga nagtulungan sa akin kahapon eh kick out na. 

Naglalakad ako nun papuntang art room kasi gusto kong tignan kung may bagong painting ba. Kaso nga lang... 

*BOOM* 

Ouch! Ang sakit nun ah! 

"Aray..." teka, parang pamilyar boses nito ah. 

"Myka!" 

At nagulat naman siya kaya biglang napatingin sa akin. Ngumiti siya nung makilala niya ako tapos nun eh tinulungan ko siyang tumayo.

"Ui, ikaw pala Andy. Ayos ka na ba? Narinig ko kasi yung nangyari sa iyo kahapon." 

100 days andy and kitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon