Chapter 4

209 3 0
                                    

Sedric's POV

"Jin, laro tayo ng basketball!" yaya ko sa kambal ko na busy na nagaayos ng buhok sa harap ng salamin.

"Naiinip ako guys, tuloy pa natin paghahanap ng matinong trabaho," umiinat inat pa si Jade sa kama habang naggigitara si Austin sa tabi niya.

"Basketball nalang tayo," tumayo si Jin sa kama niya.

"Ano? 2 versus 2?" ngumiti ako sa salamin.

Napangiti rin si Austin at tumayo sa kinauupuan niya at linapag sa kama ang gitara.

Nakapagpalit na si Jin at Jade meya meya, pero hindi parin nagpapalit si Austin ng jersey, nakamaong at grey na hoodie parin siya. 

SInce hindi na daw magbibihis si Austin, hindi na namin siya pinilit, lumabas na kami ng apartment.

Dito na kaming apat nagstay dahil tinakwil kaming dalawa ni Jin, at lumayas na sa bahay nila si Austin dahil sa nanay niya na grabe kung abusuhin at apihin siya.

Anim na buwan na rin kami nakatira dito, malapit itong lugar sa basketball court, sa mga stores, like 7eleven at mga iba pa. 

"Austin, saan ka pupunta?" tanong ko habang papalayo siya na naglalakad.

"May hahanapin lang ako duon," turo niya sa mga stores sa tabi.

"Sige, bilisan mo," tumango nalang siya at naglakad maspapalayo saamin.

"Saan pupunta nanaman yun?" tanong ni Jade habang drinidrible yun bola.

"May hahanapin daw siya," nagsmirk nalang si Jade sa sinabi ko.

"nagbibinata na po ang ating dear friend, chicks ang hinahanap niyan,"

napangiti nalang ako sa sinabi ni Jade, parang ang hirap iimagine yun.

We start our game without him, medyo nageenjoy na nga kami kaya hindi na namin napansin na matagal na siyang nawawala.

"Ang BADING MO JIN!" tawa ng tawa si Jade, inaasar niya nanaman kambal ko.

"Tignan mo lang pag ako nagimprove, baka mapahiya pa kita," napipikon na kambal ko, which is pambihira.

I gave Jade a sign to stop dahil alam ko na baka makasakit na itong kambal ko.

It's twin instinct, I know how he feels.

"Uy, Jin, aminin mo na kasi na wala kang maipagmamalaki kasi mahangin ka lang talaga!" sabi ni Jade.

Napipikon na talaga si Jin, kaya hinamon na niya si Jade.

"Sige ba, I'd be glad to embarass you right here, right now," nakataas ang isang kilay ni Jade. 

Hinayaan ko na sila, I had nothing to do with it anyway.

Naisipan ko nalang din na hanapin na si Austin dahil lumipas na ang isang oras, wala parin siya.

Nagpaalam na muna ako sa dalawa bago umalis.

Tumingin ako sa mga stores through the window, wala naman si Austin duon.

Buti matiyaga ako maghanap at nakita ko siyang nakatayo sa loob ng 7evelen, sa harap ng mga chicheria.

Sa side niya, may babae na nakaschool uniform ng Glorymount, bakit parang familiar siya saakin?

"Uy, anong ginagawa mo dito?" Pinatong ko kamay ko sa balikat niya.

"Ay, andiyan ka pala, wala,"

napatingin yun babae sa tabi niya, she looked away when we caught her staring, parang nagaapura na umalis tapos nawala. 

Bumalik na kami sa basketball court, may nakapark na black honda sa harap, mukhang mamahalin na kotse.

"ANO BA KASING PROBLEMA MO SAAKIN?!" narinig ko na sigaw.

Napahinto kami sa paglalakad ng may bola na nagbounce at natamaan yun kotse. 

Tumakbo na kami ni Austin, kasi alam namin na sila Jade at JIn yun, palagi silang nagaaway, muntik na sila nagsuntukan, buti nalang at naabutan namin sila at napigilan.

Kailangan pa namin icheck yun damage ng kotse kaya hinanap namin yun driver.

Pero wala na yun kotse kung saan namin nakita, kaya hinanap hanap namin. 

Nakita rin namin sa harap ng 7eleven, may babaeng sumisigaw, sinisigawan yung lalaking medyo mascular at matangkad, pero parang matanda na.

Lumapit kaming apat duon. 

"Pasensya na Miss, duling kasi itong kasama ko," sabay batok kay Jade.

"ALAM NIYO BA KUNG MAGKANO ANG KOTSE NA TO?! MASMAHAL PA TO SA MGA BUHAY NIYO!" sabay turo saamin.

"Kung makapagsalita ka ha!" susugod na sana si Jade pero pinigilan nalang namin siya ni Austin.

"Uy, babae yan, wag ka naman ganyan, fre," sabi ni Jin.

Lumapit ako, "Miss, babayaran namin ang sira niyan,"

HAYY. ANO PA BA KASI MASASABI KO?

Eh sa wala naman magagawa kundi bayaran ang sira.

Parang nawalan ng dugo sa mukha ang mga kasama ko.

Maliban nalang kay Austin na talagang maputla ang mukha.

Iniisip ko yun sinabi ko, saan naman kami kukuha ng pera na pangbayad?

Eh sa wala kaming mahanap na trabaho.

Wala rin kaming pera sa bangko,

kahit isang centavo hindi tinira saamin ng aming minamahal na Ina. 

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon