Sedric's POV
Masaya talaga patripan si Janica kasi kahit feeling matapang siya, mahahalata mo talaga yung weak and sensitive side niya.
Pero SHIT, ang sakit niya manuntok, nakadalawa na siya saakin, she always knocked me down.
Ang sakit ng ilong ko nung naconscious na ako.
Okay lang at least nakabawi ako sakanya.
Gangster na takot sa multo?! HAHAHAHAHA! WHAT A LAUGHING STOCK.
Ang weird kasi hindi namin siya nakasabay ngayon papunta sa school, ang sabi ni Mang Toyong nauna na siya papunta sa school.
Paano naman makakapasok yun?
Ah. Bakit nga ba ako nagaalala sa babaeng yun?
Gangster naman yun, wala naman sigurong masamang mangyayare sakanya.
Pagdating sa room, inaasahan ko na makikita ko na siya duon.
Pero wala pa siya. Second period na wala parin siya.
Hinayaan ko na, darating din yun.
Lumipas ang isang oras, isang period nalang at maglulunch break na.
Hindi parin siya dumarating.
*knock,knock*
May kumatok sa pinto, bumukas ito at bumungad siya, may pasa sa side ng labi niya at may black eye sa right eye.
Lahat napalingon sakanya.
Naglakad siya na pasiga sa upuan niya.
Napatigil sa pag eexplain si Ma'am.
Nginitian ko siya,
ngumiti rin siya saakin, a weird and scary smile that says BE CAREFUL.
Nagexplain ulit yung teacher, mukhang may project ata kami.
Nakafocus lang mga mata ko kay Janica, ang daming dumi sa uniform niya, hindi siya kasi nakacoat kaya nakikita yung madungis niyang white polo.
Nakataas pa ang kwelyo.
Meya meya may nagpasok ng mga sako, hindi ko alam kung anong laman pero mukhang magaan siya.
"Our project will be beanbag baby," yun lang naintindihan ko, hindi ko maintindihan yung ibang sinasabi nila kasi nadidistract ako kay Janica,
hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya kahit anong gawin ko.
Hindi ko alam kung gaano na katagal nakatitig sakanya.
Tinawag kami ng kambal ko sa harap para magdraw ng lot.
Duon bumalik yung focus at concentration ko.
Pero hindi ko alam kung para saan yung pagdraw namin ng lots, hindi ko na narinig.
Nauna yung kambal ko, ang nabunot niya si Heydie, ito siguro yung para sa project.
Bumilis yung heartbeat ko when it was my turn na, yung feeling na may suspense...
Kumuha ako ng isang papel sa box.
I pulled it out, binasa ko,
"Janica Yamamoto," sabi ko.
Nagviolent reaction si Janica,
pero kumalma rin siya after awhile.
Nakakatakot rin naman pala siya pag naghlimaw mode siya.
Nakatitig nanaman ako sakanya kahit na sa ibang direction siya nakatingin.
BINABASA MO ANG
One Less Pretty Gangster
RomanceFate plays when the wannabee gangster, brat, do all for the attention girl, Janica Yamamoto meets four messed up, homeless, used to be rich boys with different personalities and identities dahil sa isang incident. They are hired as yayas a.k.a. Tuto...