Chapter 31

15 1 0
                                    

A/N :

SO AYUN MAY LOVE TEAM NA SILA .. JAN-RIC.. OMAYGULAY. ANO NA KAYA MGA SUSUNOD NA PANGYAYARE?!

EDI ABANGAN NIYO .. STAY TUNED KUNG KILIG NA KILIG KAYO SA JAN-RIC!! 

(SA MGA GUSTO MAGPADEDIC PLEASE SEND ME A MESSAGE, PROMISE HINDI KITA IISNOB, WALA NA KASI MAHANAP NA PWEDENG IDEDIC SA MGA IBANG CHAPTERS) 

xx

Janica's POV

Wednesday ng hapon, tulog ako sa klase ni Ma'am Sabini. Biglang may kumatok sa pinto ng room. AY PUTANGINA. NAGISING AKO SA MASARAP KONG TULOG. Nagkamot ako ng ulo, tapos nagmuta pa. "Excused po si Ms. Yamamoto at mga alaga ni Sir Ayate," narinig kong sabi ni obviously, Mang Toyong. Nagising ang diwa ko duon. Tumayo na ako agad. Nagimpake ng gamit ko. Si Sedric tulog pa sa upuan niya, kaya ginising ko na, "HOY GAGO, GISING NA," bulong ko sa tenga niya, pero pakurot kurot ako sa pisngi niya, pacute effect lang para kunwari sweet kami. 

Nagising din siya, nagunat unat tapos kinuha na ang bag. Sumunod na din yun tatlo at lumabas na kami sa room. Inakbayan ako ni Sedric. Nagulat kami kasi may mga sophomores na biglang dumaan, may dala dala pa silang mga tarpaulin, may mga stolen shots nun time na nagusap kami ni Sedric sa gym. Kahit saan pala kami pumunta may mga paparazzi.

Napilitan kaming magholding hands hanggang pagpasok namin sa limo. Pagpasok namin, bumitaw ako agad sa kamay niya. "Grabe, basang basa kamay mo, YUCK!" pinunasan niya kamay niya ng panyo. "ANG ARTE ARTE MO! TANGINA! HINDI BA IKAW NAGISIP NETO? TAPOS NGAYON MAGREREKLAMO KA!" tinulak ko siya palayo. Tumahimik lang siya. Ang moody niya naman ngayon, dinaig niya ang babaeng may regla. 

YUCK PALA HA. Eh kamusta naman siya? Nagtitiis lang ako sakanya, kundi lang talaga dahil sa awards hindi kami magkakaganito, this is against my will. I would never date someone like him, so immature and annoying. I WOULD NEVER DATE A GUY ACTUALLY.

Nagbubulong bulungan sila, ang naririnig ko lang, "beach" at "Sir Ayate" masyado silang pahalata na ako pinaguusapan nila, patingin tingin saakin. "Mang Toyong, paki para po yung kotse," sabi nila. "HA? Saan nanaman kayo pupunta?" hinarang ko ang pintuan. "May bibilhin kami," sagot nila. "Mang Toyong punta tayo sa pinakamalapit na shopping Mall," utos ko, hindi naghesitate ang matandang driver. 

May Robinsons pala sa lugar na ito, bumaba na sila. Medyo pagod na ako kaya nagbago isip ko na samahan sila. Nakakapagod talaga matulog sa klase. Binigyan ko nalang sila ng pera dahil wala daw silang pambili ng kung ano man yun pinabibili ni Daddy sakanila. Ang shunga talaga ng mga to, may pinabibili pala si Daddy, hindi man lang sila humingi muna ng pera bago umalis. JUSKO. ANG TATANGA EH. 

Habang naghihintay ako sa loob ng kotse, I plugged my earphones to my mp3 player. This time dubstep naman pinapakinggan ko. Masaya makinig ng ganitong mga songs kapag may studio headphones ka na beats. I felt like I was on cloud nine, nakakaeargasm. 

Kinuha ko sketchpad ko sa bag ko, yung charcoal at eraser ko. May nakita kasi akong magandang isketch. May isang siberian husky sa harap ng entrance ng Mall. Nagfocus ako mabuti sa aso, gusto ko nga magalaga eh, kaso may allergy si Daddy. 

Biglang bumukas yung pinto, hinihingal yung apat, para silang hinabol ng multo or something. "Mang Toyong, andito na sila," just inform him sakali nakatulog siya pag hihintay. Binalik ko na sa bag ko ang art materials ko. 

"Nainip ka ba?" tanong ni Jade, napansin niya mga drawings ko. "Oo, ang tagal niyo nga eh," pagod na pagod na kasi ako at gustong gusto ko na umuwi. 

Meya meya, dumungaw ako sa labas ng car window, WAIT. Hindi naman ito yung daan pauwi. "Saan tayo pupunta?" It was 4 in the afternoon, ano kayang meron? Bakit kaya kami inexcuse ng maaga? "Malalaman mo rin," sagot ni Sedric. Hmm? Ano kaya to? Surprise? Sana nga surprise, magandang surprise. 

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon