Chapter 9

167 2 0
                                    

Janica's POV

Hindi ako pumasok ngayon, nasa arcade ako kasama yun mga barkada ko, rebelde na nga ako, maslalo pa ako naging rebelde.

Ayaw ko na rin pumasok, wala ng kwenta, maspipiliin ko na palaboy laboy ako sa tabi tabi at least duon ako masaya, kaso dumedepende parin ako sa daddy ko sa lahat ng needs ko, kung madali lang kasi mabuhay magisa at maging independent na.

Sa bahay kasi halos bawal na lahat. Yung mga gamit ko pinakialaman na ni Papa, mga black nail polish ko, metal rock album CDs ko na binili ko pa sa mga limited edition stores at lahat ng mga gamit ko na "unnecessary" daw pinatapon niya.

Hayy, kakabwiset talaga yung matanda na yun, minsan iniisip ko na sana mamatay nalang siya kaagad para mamana ko na pera niya.

May personal body guard pa ako pero nasuhol ko rin siya, binigyan ko lang naman ng isang kahon na sigarilyo at singkwenta pesos, iniwan na niya ako.

Nakakabwiset na talaga. 

"Jan, shisha tayo gah?" yaya saakin ng barkada ko,

"sige, mauna ka na, susunod nalang ako, hintayin ko muna si Lyndon," hindi ko kasi ugali na mangiwan ng barkada, lahat na iiwan ko, wag lang mga barkada ko.

Si Lyndon Austria ang lead vocalist ng band namin, siya kasama ko pag nageescape ako ng school. 

Naglaro kami ng Dance Dance Revolution, medyo magaling ako dito pero never ko pa natalo si Lyndon dito.

Nagpapawis na ako after 2 rounds of the game pero hindi parin kami tumitigil, marami na rin tumitingin saamin.

"Impressive, nagimprove ka rin," nagapir kaming dalawa.

Ngumiti nalang ako at nagpunas ng pawis.

"Siguro nagprapractice ka sa bahay,"

I shook my head, "hindi, ngayon nga lang ako nakapaglaro ulit," humihingal pa ako,

 "Sundan na natin sila, baka hinahanap na tayo," yaya ko sakanya. 

Medyo maraming tao sa loob arcade, punong puno ng mga estudyante, meron taga Glorymount din, St. Peter Academy at yun karibal ng school namin, St. John High.

Marami rin palang magagandang nilalang na galing sa mga school na yun, madalang kasi ako makakita ng mga estudyante na taga ibang school, or sadya talagang hindi ko sila pinapansin.

Mga mukhang diwata sila, mapuputi, mahahaba ang buhok, may short hair din pero kahit ganun maganda parin. May singkit, may mapanga, pero lahat sila maganda.  Gusto ko silang ligawan lahat!

Hinatak ako ni Lyndon palabas, tahimik na labas ng arcade, walang katao tao, parang ang may buhay lang sa Mall ay yung arcade.

Nung nasa first floor na kami, lumiko si Lyndon,

"punta lang ako ng CR, sama ka?"

tumawa lang ako tapos binatukan siya,

"Sige, CR ka na muna, hintay lang kita dito," sumandal na muna ako sa pader.

Nang biglang may humablot saakin,

"ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO!"

ayaw parin akong bitawan kahit anong gawin ko, bigla akong binuhat ng feeling ko mga apat na tao,

Nakita ko yun highlight ng buhok ng isang nagbubuhat saakin,

"WAIT! IKAW YUN LALAKING SUMIRA NG KOTSE KO! NGAYON KIKIDNAP MO AKO?!"

hindi sila nagsalita.

Palabas na kami ng Mall, pinagtitinginan kami ng mga tao sa labas.

Bigla nila akong pinasok sa limo namin na madalang lang gamitin.

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon