Chapter 13

140 1 0
                                    

Sedric's POV

*BEEP* *BEEP* 

Nagvibrate ang cellphone ko.

Nagising ako dahil nasa pocket ko pa yung cellphone ko.

Tinignan ko yung oras.

It was frickin 6 AM in the morning. Who the hell would text me at this hour?  

I checked it. 

From: +639*********

Si Sir Ayate mo ito, dalian ninyo at hinihintay kayo ni Tonio sa labas ng bahay. Suotin niyo yung damit na ibibgay ng katulong ko diyan. Uniforms yan. Gusto ko bantayan niyo yung anak ko sa school dahil hindi ko magagawa yan. At dahil kailangan niyo na magmadali ngayon, gamitin niyo na yung CR sa tabi ng kusina, mayron din sa opisina ko at sa kwarto ni Janica.

Tulog parin yung tatlo.

Kaya kumuha ako ng caldero at sandok sa kusina.

Bumalik ako kaagad sa kwarto namin at pinukpok ito hanggat magising yung tatlo.

"HOYY GISING NA MGA SLEEPING CHARMING!" sigaw ko.

"OO na, gising na," sabi ni Jade,

nagrub na rin ng eyes si Jin.

"Um guys, may apat na CR dito sa bahay na ito, isa sa tabi ng kusina, isa sa opisina ni Sir Ayate at yung isa sa kwarto ni Janica, bilisan na ninyong maligo!" utos ko, para akong boss.

Tinanggal ko muna yung lubid na nakatali sakanila.

Walang imik silang kumuha ng towel at lumabas na. 

Ako na ang nahuling lumabas ng kwarto, kaya kung saan na yung walang tao duon na ako magcCR.

Humihikab pa ako na lumabas, may tao na sa CR sa tabi ng kusina, kaya umakyat ako sa second floor.

May tao na rin duon, kaya no choice na ako kundi maligo sa taas.

Sa kwarto ni Janica.

OH GOODNESS.

I don't want to enter that demonyita's room.

WHAT IF MAY TRAP NA NAKASET UP DOON?!

What if anduon pa siya?

Well, that's for me to find out, kaya umakyat na ako. 

On her door, nakalagay,

THE ASTRONOMER IS OUT

tapos may parang slide siya, pwede mo ilagay kung "in" or "out" yun parang nasa pintuan ng mga doktor sa clinic.

Kumatok parin ako,

I hated being rude after barging into the house last night.

After waiting, no response, kaya pumasok nalang ako.

Napawow ako sa itsura ng kwarto niya.

Ineexpect ko na ang theme and design ng kwarto niya is dark, ghosts, blood, goth, punk tapos may mga incense at skulls na nakapatong sa tables at black candles.

Pero hindi, may malaking telescope, maraming stars yun kama niya, pang bata kasi yung shape, parang rocketship na gawa sa kahoy.

May design na planets yung walls niya, pati kumot may stars, pati kisame may mga glow in the dark stars. I didn't know she was into this kind of things.

I heard a honk of a car outside kaya hinanap ko nalang yun CR.

Nasa tabi pala ng mini ref.

Pumasok na ako at naghubad.

Medyo maself conscious ako, naiimagine ko, what if may CCTV dito at nakikita ako ni Janica na ganito?

Baka tawanan pa niya ako.

Kinakapa kapa ko yun towel ko, wala pala akong dalang sabon man lang. Tinatamad na rin lang ako bumaba kaya nakigamit nalang ako ng sabon at shampoo na rin. Pati ba naman ang sabon at shampoo, stars din? Yun shampoo branded pa ang pangalan, "Celestial Eclipse"

Hindi naman siguro mapapansin ng babaeng yun na bawas na ang shampoo kaya I put asmuch as I want, sobrang bango din kasi.

After taking my shower as fast as I can, nagpunas na ako at bumaba na kaagad. Kinuha ko yung damit na nasa kama na nakalagay ang pangalan ko. Yun na ang uniform ko. Ito pala ang itsura ng uniform ng Glorymount. May ID pa atsaka bag sa kama. Kinuha ko na rin yun at hinintay yung tatlo. 

Pagkatapos ng tatlo, umalis na kaagad kami, hindi na rin kami nag almusal dahil sa sobrang pagmamadali. 

Pag labas ng bahay, sumakay na kami kaagad sa kotse. Walang emotion yun driver. Hindi ko masabi kung galit siya o kaya okay lang na pinahintay namin siya. 

6:50 na pala, ang alam ko, 7 ang start ng klase sa Glorymount dahil duon nagaaral ang kapatid kong si Natalia dati bago siya pinull out ni Mama dahil baon na baon na talaga sila sa utang. 

Mabilis ang pagdrive ni Mang Toyong at parang alam niya ang short cut papunta sa school. 

At exactly 7:05 nasa harap na kami ng gate ng Glorymount. 

Pagdating sa mismong harap ng school, lumabas na kami kaagad at sinuot yung ID.

Maraming girls ang napalingon sa paglakad namin papasok.

Pagkakagulohan ata kami dahil maraming sumusunod.

Hindi ko pala alam kung anong room namin kaya I checked my ID.

Our classroom was IV - St. Francis,

sa mini map nakalocate ito sa fourth floor ng building, last classroom at the corner.

Sinundan nalang ako ng tatlo, pagod parin sila dahil sa sobrang paflalakad namin kahapon. 

We easily found the St. Francis room, umupo kami sa empty seats at hinintay ang further instructions.

Hindi ko na napansin ang dami na palang taong nakatinfin saamin,

may babaeng nakaribbon sa hair, nakasmile siya. Mukhang friendly naman siya.

 I smiled back.

"Hi there! I'm Heydie Rosie Mayo! Class President!" she offered her hand,

nakipagshake hands ako,

"I'm Sedric Sy, class clown," then I winked.

Natawa siya and then walked away.

Si Jin may kausap, dalawang babaeng nakaskirt na masmaikli sa iba, may koloretes sa mukha at may ribbon din sa buhok.

Chickboy talaga kambal ko.

Si Austin tahimik lang na nakadungaw sa labas ng classroom. 

Nabulabog yung klase ng narinig ko boses na familiar saakin,

"SHIT! DAMING HARANG SA DAAN, MAKE WAY MOTHERFUCKERS!"

duon ko nakita yun witch.

Janica Yamamoto.

Bruhilda. Salbahe. Bitch. Nightmare.

Sabog ang buhok niya, parang bagong gising,

magulo ang uniform,

naka tuck in yung left side ng blouse niya, pero yung right side hindi,

pasiga effect pa siya.

Hindi nakanecktie o I.D. man lang,

walang ribbon sa buhok, galit na galit siya,

mahahalata mo sa mukha niya, nagmemeet yung kilay.

OH NO. HALIMAW ALERT.

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon