Chapter 15

127 2 0
                                    

Janica's POV

Nagpanic na nga talaga ako.

Pinagpapawisan na nga ako.

SHIT.

Hindi naman ako ganito, nangongonsensya na pala ako ngayon?!

"HOY! Tawagin mo si Papa!" sigaw ko kay Austin na parang wala sa sarili nanaman at nagiimgaine pa.

Tumayo siya, how could he act so calm at a situation like this?!

Pinaypayan ko yun mukha niya ng underwear niya.

Tumutulo pa yung dugo sa ilong niya.

"OY! GISING! SORRY NA!" sabi ko, what if I killed him?!

"HOYY!! SEDRIC!!! GISING KA NA OH!" hinampas hampas ko siya,

"Sorry na talaga!" para na akong naluluha sa ginagawa ko.

Biglang nagmulat yung mga mata niya.

Nakangiti pa ang loko.

"Did you just say sorry? Did I hear it right?" sabi niya.

"EWAN KO SAYO!" tumayo ako.

SHIT!

Nagtulog tulogan lang naman ata yun gago na yun ee.

KUNWARI UNCONSCIOUS!

BWISET.

Pagkatalikod ko nasa pintuan na pala sila Otou-san at Austin, nakangiti pa siya.

"Aww, my daughter is learning how to apologize," tapos he patted my head.

"GET OUT OF MY WAY!" sigaw ko, padabog akong umakyat ng hagdan,

bumaba na rin si Jin,

I glared at him.

Nagbasa nalang ako ng The Fault in Our Stars, nakakainis silang lahat! UGH!!

Hindi ko parin matanggal sa isip ko yung mga pinaggagawa ko at pinagsasabi ko kanina.

It's like he mattered to me.

Parang bigla akong bumigay. Ewan.

Hindi ko maexplain.

Hindi na rin lang ako makapagconcentrate sa binabasa ko kaya I put down my book.

*KNOCK, KNOCK*

May kumakatok nanaman?!

GRR.

Ano ba naman yan.

Can't they just leave me alone?!

Hindi ko nalang pinansin.

Pumasok silang apat.

"WHAT DO YOU WANT?!" sigaw ko.

Kinuha ko nalang ulit yung libro para hindi ko sila matitigan.

Nakakabwiset na kasi talaga mga pagmumukha nila.

"Gusto ko lang naman magapologize kasi-" hindi ko siya pinatapos,

"Whatever, go away!" galit ako kasi hindi lang niya ginamit CR ko without permission, he made me look weak infront of him, infront of dad, infront of everyone in this house.

Hindi parin sila umalis sa harap ko. "ANO PA BA KAILANGAN NINYO?! GO!" sigaw ko.

Hindi parin sila umaalis.

Hinayaan ko nalang sila.

Biglang nawalan ng ilaw.

Binaba ko na yung libro ko.

Brownout ata kasi hindi sumisindi yung lampshade ko.

"Guys?" I whispered.

SHIT.

Hindi ko pwede ipakita ulit ang weakness ko.

Baka isipin nilang kayang kaya nila ako.

I sat there still.

Hindi ako umimik.

I did not want to make any furhter movements.

Baka bumalik kasi kaagad yung ilaw.

Narinig kong bumukas yung pinto.

"uy, wag kayong ganyan!" sabi ko, walang nagsasalita, parang ako lang yung andito sa taas.

Narinig ko yung organ ko sa room tumutugtog, nakakatakot yung kanta.

Tumataas yung mga balahibo ko.

5 minutes na akong nakaupo dito sa dilim.

Lumapit ako sa may bintana.

Umuulan nanaman.

Narinig kong parang bumubukas yung cabinet ko na kahoy.

May eerie na sound na nang gagaling duon.

*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!*

Biglang kumidlat! Tinakip ko yung taenga ko.

Nanginginig na pala ako.

Siguro sa sobrang lamig lang.

May humawak sa balikat ko, nagulat lang ako. Hindi naman ako napasigaw.

Nakita ko silang apat.

"Anong ginagawa niyo rito?!" sabi ko.

May mga hawak silang kandila.

"Bakit? Ayaw mo ng kasama? Hindi ka ba natatakot?" sabi ni Sedric sa pinaka nakakakilabot na boses.

"BAKIT NAMAN AKO MATATAKOT?! WALA AKONG KINAKATAKUTAN!" sabi ko.

"Ganun ba? Alam mo ba na may rumor na sa gabing ito maglalabasan ang mga multo?" sabi niya.

Hindi na ako makaimik sa takot, I hugged my knees.

"Ngayon kasi yung death anniversary ng babaeng nabalitaan nagpakamatay dito!" napaurong ako kasi linalaipit niya mukha niya saakin with the kandila.

Alam ko yung mga kwento na yun tungkol sa babaeng nagpakamatay dito sa top floor pero I think they're fake.

"nung nabubuhay pa siya, ang paborito niyang tambayan pag kumikidlat yung aparador diyan sa harap natin," turo niya duon sa cabinet na kahoy.

Natatakot na talaga ako, paano kung bigla siyang magpakita saakin?!

"Paano na yan? Aalis na kami," sabi ni Jade,

"kaya nga eh, magiingat ka, mahilig pa naman yun sa tomboy," Sedric added.

Kumidlat nanaman.

"Saan kayo pupunta? Wag kayo umalis dito! Babaeng babae kaya ako!" nagpapawis na yung mukha ko.

Bigla silang lumayo.

"PLEAAAASE!!! WAAAAG!" I wailed.

Hinawakan ko sa wrist si Sedric.

"Ano ka ba! Magpapaload lang kami," sabi niya, nagtawanan sila.

Hindi ko parin siya binitawan. "WALA NG BUKAS NA TINDAHAN!" sabi ko.

"Meron pa, tayo lang walang kuryente sa buong village, inaayos ni Papa mo yung current," ayaw ko parin bumitaw.

"Gangster pala ha?! Takot lang naman sa multo!" tinawanan pa nila ako.

Nagmeet yung kilay ko, pero takot parin talaga ako.

Umiiyak na ako sa sobrang takot.

"wag ka matakot! Gawa gawa lang namin yung mga sinabi namin," tapos nawala na sila sa harap ko, madilim na ulit ang kwarto ko.

Nakakabwiset talaga.

Napagkaisahan nanaman nila ako pero I vow my vengeance.

Malalagot saakin yung mga yan.

Bukas na bukas pupunta ako sa fraternity ko at kakausapin ko ang leader,

matagal na rin ako hindi nagpapakita duon. Never pa pala.

One Less Pretty GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon